* * * Tapos na ang shooting ng reality show na kinabibilangan ng Lexus. Nagsalo-salo na ang lahat sa mahabang lamesa na inihanda ng management ng pasyalan para sa mga panauhing pandangal nila ngayong araw. Nakahiwalay ang lamesa ng staff sa mga cast. Maski hapunan na ay patuloy pa rin ang pag-rolyo ng kamera. Kaya bilang parte ng script ay inutusan ng direktor ang casts na paghirapan na muna ang pagkain nila. Sila ang nagluto at nagsibak ng kahoy na panlaban sa lamig ng gabi. “You first have to chop wood, and prepare your own dinner. Some can cook the meal while the others can do the chopping. It’s up to you how you divide the chores.” Ganitong uri ng entertainment ang patok sa mga South Kisokan. Gustong-gusto nila na nakikita ang mga sikat na gumagawa ng ordinaryong gawaing bahay. “

