* * * Sa mga sandali na naiwan si Rain na mag-isa sa silid ay unti-unti na niyang napagtanto ang sitwasyon at ang kanyang nararamdaman. Pagod na siyang itanggi ang mga ito ng paulit-ulit. Hindi rin naman imposible ang kwento ni Ethan sa kanya, dahil pati siya at ang kanyang kapatid ni Laura ay nasa pareho ring sitwasyon kung saan ang isa sa kanila ay malayang nagagawa ang gusto. Ngunit ibang usapan naman kung bakit sa kabila ng tahimik na buhay ni Ethan ay pinili pa rin nito na sundan si Rain sa Pilipinas? Hindi bobo si Rain, sadyang nais niya lang itanggi ang katotohanan. Naiinis siya kay Ethan dahil sa ginawa nitong paghabol sa kanya, ngunit mas naiinis si Rain sa sarili dahil sa nararamdaman niya sa lalaki. “When did I start feeling this way to him?” ito ang tanong ni Rain sa kanyan

