R A I N “Are you sure it's okay for us to talk here?” tanong sa akin ni Ethan nang makarating kami ng cafeteria. Although wala na masyadong mga tao pero malawak at bukas na bukas pa rin kasi ang cafeteria. Halos buong floor na ata ito. Anytime kung dumaan man ang mga kakilala ni Ethan ay maaari pa rin kaming maistorbo… which kind of favors me. Mas mabuti na ang may biglang dumating para naman maagang matapos ang usapan namin. I am not dumb enough to spill all the beans easily. SMART ONE’s cafeteria is pretty fancy. Kaya naman pala maraming artista at idols ng kumpanya ang mas pinili ang convenience store sa tuwing may oras silang lumabas ng building. The cafeteria is too… exclusive, rich, and suffocating. Suffocating dahil sa kabila ng pagiging eksklusibo at sagana nito ay hindi pa r

