CODE NO. 07

2207 Words
R A I N Not too long ago, the sink was full of dirty and greasy dishes. The plates and glasses, even the utensils and the pots were all in the mess. Yet, after a few moments of time (na hindi ko alam kung gaano katagal talaga) ay malinis na rin ang lababo. Naging madulas at makinis na ang mamantikain na mga plato, ganoon din ang mga pinaglutuang kaldero. Malinaw na rin at makintab ang basong kani-kanina lang ay halos hindi mahawakan gawa ng dulas ng mantika. Maayos nang naka-hilera ang mga hinugasan sa lalagyan nila. “Did I just wash these?” tanong ko sa sarili ko nang biglang may sumagot. “Uhm. Basically, yes.” Napalingon ako sa lalaking pinagmulan ng boses. Andito pa pala si Ethan.  Gosh. Did I think out loud again? Pero hindi talaga ako makapaniwala na nagawa kong malinis ang ganoon kagabundok na hugasin. “T-Thank you. I'm just not too used in cleaning that much,” I told Ethan. Hindi lang naman ako ang naghugas. He did 50% of the work. Anyway, he left me after drying his hands. I was not able to give him some credit for helping me, like vocally. Well, ganun na nga. Tinapon ko na lang din sa basurahan ang mga dumi ng hugasin kanina na naiwan sa gilid ng lababo. Si Ethan lang kasi ang may lakas ng loob na kolektahin ito.They just gross me out. Pagkatapos ay sumilip ako sa sala. The members are still there except sa naglalaro na lang sila ng indoor game. It seems a traditional game kasi hindi ito familiar sa akin. Regardless, I think I’m good to go. Mukhang tapos na ang trabaho ko rito. Hindi naman nabanggit sa akin ni Lian dati na kasali sa lilinisan ko ang mga kwarto nila. “Ethan,” I quietly called him. Si Ethan kasi ang tanging miyembro na malapit ako, but I’m not saying that we are buddy. Mas safe siguro sabihin na siya lang ang madalas kong nakakausap sa lima kaya sa kanya lang din ako madalas lumapit. I am his personal assistant after all. At isa pa, mas maganda naman talaga kung sa isang member lang ako malapit. Mahirap na. I can’t get attached to any of them. “Do you need something?” Ethan uttered as he smiled, na para bang wine-welcome niya ako. I did not bother to react much because even with Ethan, I can’t get attached to him as well. I don’t want to leave anything when I return to my country. “No. But I think I’m over here.” “Oh. You’re over?” luminga-linga si Ethan. Mukhang kinikilatis niya ang paligid. I can’t tell if he’s satisfied pero sa paningin ko ay mukhang maayos naman ang dorm nila. Malinis naman ito kanina noong pumasok ako. They only have a few pieces of trash littering here and there. Pero nang napulot ko na ang mga ito, naging maayos naman ang lahat. Pagkatapos niyang usisain ang paligid ay humarap na ulit siya sa akin. He seems reluctant. Nginitian ko naman siya. Come on, I just want to have a few hours of rest. I’ve been assisting you for days now. I need some day off, okay. “You’re over…” “Yup. I’ll be leaving now. I’m at my dorm. If you need something, just call me through the intercom, alright?” saad ko. But please, sana naman ay hindi niya na ako kakailanganin pa. Naglakad na ako patungong pinto palabas nang mapansin ko na parang marami atang nakasunod na mga paa sa akin. I heard their footsteps. I turned my back and saw all five of them following me. “W-What?” “Nothing! It’s nothing,” sagot ni Jake na mabilis naman na lumiko sa pinakamalapit na silid mula sa main door. Si Jay naman ay tumalikod habang ngumiti lang sa akin si Lucas at Ethan. “You can go now,” sabi ni Ethan. Dinugtungan naman ito agad ni Lucas ng mga katagang, “We’re also going to the practice room… we’re going to see Liam’s dance.” Hindi na ako nagtanong pa at tinalikuran na sila. If they say so, they can do whatever they want. As long as they stay in the SMART ONE building.  Sakto naman na bubuksan ko na sana ang pinto nang bumukas ito ng kusa at bumungad sa akin si Liam. Pawisan siya at mukhnag nalilito ata base sa expression na ipinapakita niya. Sa palagay ko ay nagtataka siya kung bakit nakasunod sa akin itong dalawa. He stared at me for a short while then looked behind me. A second later, bumalik ulit sa akin ang mga mata niya bago sinabi na, “Oh. You have not yet started cleaning, Rain?” Wait. What? Lumingon naman ako sa sala. I haven't started cleaning yet? I… I don't think…so. But I’m pretty sure na tapos na akong maglinis. “Is there anything not righ–” “Liam!” Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumingit sa likod ko si Ethan. He walked past me and shook the younger member’s hand. “...you're back early. Done already?” Inakbayan niya si Liam.. “Yup. I just took a short dance video to post online,” sagot naman ni Liam na mas nalito pa ata sa mga pangyayari. Medyo nakakahawa rin, ah. The guys are acting suspicious. It's making me rather confused. “Fan service?” Lucas asked from behind me. “Yes! Bro, help me edit it.” As far as I can see, malinis naman talaga ang dorm. Na-check ko na ito kanina kaya wala na akong dapat tingnan pa. I did my best, okay. Especially in washing the dishes. I think I did pretty well. “I guess I'm done here.” Nagkibit-balikat lang ako bago tuluyang humakbang palabas ng dorm nila. I heard them getting busy behind my back. May pinag-bubulungan sila but I couldn't care less so I just left without any worry. Basta tapos na ako. I leisurely walk my way in the corridor. Katabi ng dorm ng Lexus ay isa pang dorm ng sa palagay ko ay isa na namang idol group.  CRYSTAL. Ito ang pitong letrang naka-dikit sa pinto. Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang bumukas ang pinto ng dorm. Lumabas ang isang lalaki na sa palagay ko ay miyembro ng grupo.  “The sunflower basking at the moonlight~ Still a little lonely tonight~” He is singing a song pero huminto muna siya bago ako lagpasan. “Good morning,” he casually greeted as he bowed his head then quickly scurried away. May suot siyang rubber shoes at sport’s shorts and shirts. He must be going to the SMART ONE’s gym. Hearing him sing made me miss singing. Hindi pa nga ako tumatagal ng isang buwan dito ay nangangati na ako na mag-perform ulit. I just miss singing and acting. I just miss the celebrity life as a whole. Nasa entertainment industry pa rin naman ako. Kaso nga lang I not very suitable backstage. “Just like what I thought, I don’t suit the shadow. I belong to the limelight.” Napakamot ako ng batok sa mga iniisip ko. Parang naiinggit ata ako sa pagkanta ng nakasalubong kong artist kaya dudukutin ko na sana sa bulsa ang cellphone. Nang maalala na wala pala akong dalang earphones ay hindi ko na tinuloy ang binabalak ko. At nagdesisyon na lang na kumanta. I was planning to suppress the desire to sing by listening to some music but I guess my voice is itching to escape. Wala rin namang masyadong tao sa koridor so, I guess he’s fine. I hummed as I sing. Kinanta ko ang hit song ko. It’s just a shame na wala akong makaka-sing-a-long dito dahil wala namang nakakaalam nito sa dayuhang bansa na ito. * * * “Isn't she…” ani ni Liam na naka-usli ang ulo sa pintuan. Pinapanood niya ang papalayong likod ni Rain. “She didn't clean the dorm at all.” Batid naman ni Jake na nasa itaas lang ni Liam sabay lingon sa sala nilang bangama’t wala mang nakakalat na basura at kagamitan sa sahig ay hitik naman sa alikabok. Pati ang lamesa ng TV na noong isang linggo pa huling nalinis ay may mga alikabok pa rin. Sumunod naman sa taas ni Jake ay si Lucas na kagaya ng dalawa ay naka-usli rin sa pintuan ang ulo. “Don't you think she’s too… weird?” tanong niya na mausisang tinitigan ang tila walang inaalalang trabaho na si Rain. Sa kabilang banda ay nakasandal sa labas ng pinto si Jay, naka-krus ang kanyang mga braso. “More like a strange one,” komento rin niya nang maalala kung paano nagpabalik-balik sa sala si Rain kanina ngunit ni isang beses ay hindi man lang nito naisip na linisin ang mga kasangkapan dito. Nasa center table ng sala ang feather duster, pero hindi ito nakita ni Rain. “Ethan, didn't you notice anything unusual about your personal assistant?” tanong niya kay Ethan na nakatayo sa kanyang harapan. Pinapanood din nito ang ngayon ay palaho nang likod ng personal assistant. “You think she’s weird?” “Of course! She’s definitely a quirky person,” agad na wika ni Lucas. “Well, I think so too.” Pumasok na ang lima sa kanilang dorm. Dahil hindi natapos ni Rain ang paglilinis niya ay sila na mismo ang gumawa ng natirang gawain. Si Lucas na ang naglinis ng TV, at si Liam naman ang nagwalis ng sahig. Naglinis sila ng bahay na para bang walang staff na pumunta ng dorm nila para gawin ito. “Surprisingly, Liam is not complaining,” banggit ni Ethan nang makita na mapayapang naglilinis si Liam. Hindi rin naman ito nakalagpas sa pandinig ng pinakabatang miyembro at sinabi na, “Bro, before I became an idol, I got scolded for many times for not cleaning my room. I at least know how to sweep the floor. I can even wash the dishes unlike a certain somebody. I’m not talking about Rain, okay. I’m not. Certainly not.” “Woah. Woah! Rain can’t wash dishes?” Tila ba isang nakakamanghang bagay ang sinabi ni Liam na pati si Jake na tutok na tutok sa cellphone niya ay naintriga. “Isn’t Liam exaggerating it?” “Apparently, she was having a hard time doing it earlier,” nagkibit-balikat si Ethan, “Who knows if she’s intentionally doing it to skip work.” “Okay. Okay! Let’s talk about that later.” Pumalakpak si Jay para kunin ang atensyon ng lahat. May suot siyang apron habang bitbit ang isang balde na puno ng mga puting damit. “Cleaning comes first. If the manager comes back and see the dorm still dusty, we’ll all get scolded.” Paalala niya sa mga ito. Nahinto naman si Liam sa pagwawalis niya at puno ng pagtataka na sinabi na, “Why do we have to receive the scolding? Isn’t it supposed to be Rain?” “Because they will think that you were playing around while Rain is cleaning the dorm,” gatong naman sa kanya ni Lucas sabay turo sa sahig gamit ang feather duster. “Keep cleaning, young man.” Hindi maikakaila na may punto si Jay. Malimit kasi na si Liam ang simuno ng mga kalokohan kapag paglilinis ang pinag-uusapan. Dahil siya ang pinakabata, siya rin ang may pinaka-konting alam pagdating sa paglilinis kaya siya rin ang laging tinatamad na gawin ito. “You’ve been too pampered. You have become a spoiled brat,” sabi ni Jake tapos ay bumangon sa sofa at inakbayan ang nagwawalis na si Liam. Pagkatapos ng halos trenta minutos ay natapos na ang lima sa paglilinis. Pati kwarto nila ay maayos na rin. Nagluto na si Jay ng tanghalian at sabay-sabay na silang nagsalo-salo sa hapag. Hindi maiwasan na maghintay ang lima na bumalik si Rain sa dorm nila. Kung si Lian o si Korina kasi ito ay malamang ay binigyan na sila ng sobrang ulam na luto nila. Kaya nang walang Rain na pumasok sa dorm nila ay hindi maiiwasan na siya ang naging paksa ng usapan ng lima. “Ethan, how’s your new PA?” tanong ni Jay. Bilang paalala na rin sa pangako niya kanina na ipagpapatuloy ang usapan pagkatapos nilang maglinis. Itinaas ni Lucas ang kanyang hintuturo na para bang handa siyang magbigay ng isang importanteng suhestiyon at walang pagdadalawang-isip na nagmutawi ng, “Let me guess, she’s a total newbie, right? Does she mess up often?” Kumunot ang noo ni Ethan habang inaalala kung kailan niya huling nakita si Rain na nagkamali sa kanyang trabaho. Pero umiling-iling lang siya nang wala siyang maalala ni isa. “She’s a little bit clumsy but that’s not because she doesn’t know her job but it’s because she doesn’t know how things are working in the company,” matapat niyang sagot. “Really?” “Bro, didn’t you tell me that you noticed something off about her?” pagpapaalala ni Liam kay Ethan. Tumaas ang dalawang kilay ni Ethan nang maalala ang tungkol dito at ibinaba ang kutsara niya nang isusubo na niya sana ang kanyang pagkain. “Yeah. I do remember that…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD