R A I N Madilim na ang langit nang nagising ako. Matayog na gubat na rin ang pumalit sa matayog na mga building ng syudad kanina sa daan. Saglit akong tumingin sa unahan para malaman kung malapit na ba kami. Subalit wala pa rin akong nakikitang liwanag ng ilaw sa labas ng rest house. “How long?” tanong ko sa driver. “Mga isang oras pa po, señorita.” Bumalik ako sa pagsandal sa upuan. I have to brace myself for (an almost) eternal loneliness and solitude to come. Hindi pa man naglilimang minuto simula nang nagising ako ay muli na naman akong inaantok. I was about to shut my eyes when the driver unexpectedly stepped on the car’s brake. “Anong problema?” I asked. At first inakala ko na kailangan niya lang na umihi. I mean, we have been on the road for several hours now, at maski ako

