* * * Tila ba hindi lang si Rain ang nagulat sa biglaang pag-singit ni Ethan sa eksena. Maski sina Jake at Korina ay nakaramdam ng ilang nang dumating siya. Lalo na nagkukwentuhan pa ang tatlo. Hindi pa tapos sina Jake at Korina na mauto sa mga kasinungalingan ni Rain. Tumingin si Jake kay Ethan tapos ay nilipat niya ang tingin niya kay Rain, ginawa niya ito sa parehong naiilang at kabado na paraan. Hindi maiwasan na magsuspetsa na naman si Jake na baka iniisip ni Rain na isusumbong niya ito kay Ethan. Malapit ang Lexus sa isa’t isa, isa pa nabanggit na rin niya kay Rain ang pabigla-bigla niyang pagkukumpara sa kanya at sa babaeng nasa video. “She might think that I have a loose mouth.” Kabadong ani ni Jake sa kanyang isipan. Sa kabilang banda ay napagtanto na rin ito ni Rain. Sa paraa

