R A I N Maayos naman akong nakapagpa-check up. Mabuti rin ang naging resulta. Wala akong bali sa buto o internal bleeding. Kaya pagkatapos ay agad na kaming pinauwi ng doktor. Although kailangan pa rin palitan ang mga plaster ko sa sugat ko. When we came back, the number of people in the house was reduced by half. Umalis na ang lahat ng mga tauhan na dala ni Ethan. Naiwan na lang ‘yung lalaking Richy ang pangalan na kapatid din daw nung Raymond. Habang maliban kina Laura at Raymond, may tatlong tao pang naiwan sa mga tauhan na dala nila Octaviu. “Magkapatid din ba ‘yung tatlo?” biro ko kay Laura. “Nah, of course not. They are just employees…” “Owkay?” I giggled for a second, before immediately changing the topic. “I forgot to ask this when Octaviu was explaining the situation to me bu

