R A I N Napakailap ng katahimikan sa akin nitong nagdaang mga araw. At ngayong gabi ay mas lumala pa ito dahil sa pauso na naman nilang palaro. Nagsimula na ang shoot. Naka-pokus na sa Lexus ang lente ng camera habang nasa likod lang ako ni Lucas. Kasalukuyan na kinukunan ang bahagi kung saan nagbibigay ng final instructions ang staff sa mga miyembro. Habang ginagawa ito ay umiikot naman ang cameraman sa likod Lexus para makita ang mga reaksyon nila. The crew even have to pull me out and did a brief clip of me para lang ipakita ako bilang extra. “Rain, here. We’ll take a clip of you here. Come.” For the second time, I really want to say no but this is also part of the job so lumapit ako. May suot na akong cap at face mask. Binigyan din nila ako ng itim na long sleeves at jeggings to co

