R A I N Bumalik na ako sa silid ko. I wanted to make a plan for my next move. As long as possible I don't want any mistakes again. Sisiguraduhin ko na magiging tama na ang mga galaw ko sa pangalawang pagkakataon na ito. Kaya naman sisimulan ko ang plano ko sa maingat na pagmamasid kay Mr. Gillan. I will find a way to get close to him, maybe not today, but it can be tomorrow or any day this week. Ang mahalaga ay magawa ko ito ng tama. At dahil nagpapagaling pa rin ako ay wala ulit akong dance lessons. Wala akong ibang gagawin. Hindi ako sanay ng walang ginagawa kaya naisip ko na maglakad-lakad. Patungo na sana ako para bisitahin si Mr. Sand sa kanyang opisina nang makasalubong ko siya. Gusto ko sana na agahan ang pagsisimula ng dance lesson ko. The more I shine amongst the trainees the

