R A I N “Sa tingin mo Rain, will they be able to make it on time?” tanong sa akin ni Lian. “I bet they won't,” Korina declared. Ako ang tinanong pero si Korina ang sumagot. Kasabay nito ay ang pagbagsak ng kamay niya sa kamay ni Lian. Akala mo ay simpleng apir lang ang ginawa ni Korina. She has the tendency to get so excited sometimes, pero nang bitawan niya ang kamay ni Lian ay lumantad ang malutong na South Kisokan dollar bill. Ooh. Pustahan pala ‘to. “Are you not worried?” sabi ko. May malaking tsansa na damay kami sa magiging resulta ng reality show mission ng Lexus. “We are. But what else can we do? Our job is literally to follow them, to assist them so we better have fun ourselves.” Binulsa ni Lian ang papel na pera ni Korina at saka siya humarap sa akin habang nakabukas an

