* * * “Are you sure you’ll have a hiatus?” tanong ni Octaviu sa nakababatang kapatid. “Yes. There's no other way. I cannot leave the group. That will never happen. The most logical way is to announce a hiatus.” Kinabukasan nang umalis si Rain sa SMART ONE ay doon pa lang din nalaman ni Ethan ang tuluyan na pag-uwi ng dalaga sa Pilipinas. Noong una ay nalungkot siya dahil hindi niya napigilan ang si Rain. Ngunit nang sumunod na araw ay agad niyang kinausap ang kapatid para mag-anunsyo ng hiatus. May batas sa South Kisoka na kailangang magbigay ng dalawang taong military service ang mga kabataang nasa edad 18 hanggang 28. Mapa-babae man o lalaki ay kailangang sumali rito. Tuturuan na gumamit ng baril at maglingkod sa militar ang mga lalaki, habang nakaatas naman sa panggagamot at surviv

