Nang mga sumunod na araw ay ipinokus ko ang aking atensyon sa pagtuturo at sa aking mga kapatid. Mas naging kampante ako na kasama ko sila, may mga pagkakaaton na isinasama ko sila sa mall para bumili ng gusto nila. Naging maayos rin ang unang mga araw nila sa bago nilang eskwelahan. Isinasabay ko sila sa umaga kapag papasok at nag- arkila rin ako ng tricycle na magsusundo sa kanila kapag uwian. Recess time. Abala ako sa loob ng classroom dahil inaayos ko ang grades ng aking mga estudyante. “Teacher Corienne! Teacher Corienne! Kiev and Levi are fighting outside! Hurry po!” tawag sa akin ng isa kong estudyante. Pawisan ito at hinihingal. Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at sumunod ako sa bata. Malayo palang ay kita ko na kaagad ang kumpulan ng mga bata sa malapit sa playground. Naabu

