“Ang gusto niya lang maging asawa niya ako yun lang, kaya ginawa ko na lang kesa isumbong niya ako sa school admin. Bukod sa mawalan ng trabaho, nakasalalay din dito ang kredibilidad ko.” malungkot kong sabi habang iniinom ang natitirang laman ng baso. Muli ko na naman naalala ang mga sinabi nito kaninang umaga Mahal na mahal kita, Letty Iwinaksi ko sa aking isipan ang narinig ko kanina. Iniisip ko palang kasi ay kumikirot ang sugat sa aking puso. ‘Corienne, dapat maging matatag ka. Huwag ka na magpaapekto sa kanya. Hindi siya karapat dapat sa pagmamahal mo’ panghihikayat ng aking isip. “So, kung pinagbantaan din pala kita noon. Sa akin ka sana nakasal” himig ng panghihinayang na saad ni Kaiser. Malamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. “Thank you” hindi ko napigilang mai

