Masayang nag-umpisa ang event. Sumayaw sa stage ang mga bata mula sa iba't ibang grupo habang ang mga magulang ay Todo suporta sa kanilang mga anak. Sunod na tinawag ay kaming mga guro. Iba ang hiya at Kaba na aking naramdaman kumpara sa pagsasayaw sa club dahil ang mga estudyante namin ang sumisigaw at tumitili para suportahan kami. Ganun pa man ay hindi maipaliwanag ang saya dahil sa mga ngiti sa labi ng bawat bata na nanonood. "Go, Teacher Corienne!" "Galingan mo, Teacher Alex! Whooo!" "Teacher Owen! Teacher Owen!" sabay sabay na sigaw ng mga bata maging ng mga nanay. Naghahagalpakan sa tawa ang mga ito ng bumira ng sayaw ang Teacher na si Sir Alex na Isang bading dahil sa lambot ng katawan nito at parang kiti kiti sa kulit. Habang magiliw na sumasayaw ay nahagip ng aking mga mata an

