ARYA’S POV “Hello, Arya. Kamusta?” anang nasa kabilang linya “Tapos ka na?” tanong ko rito na ang ibig sabihin ko ay ang ginagawa nito kanina “Wrong timing ka naman kasi, minsan ka na nga lang magparamdam sinakto mo pa. Anyway, kamusta?” “May papagawa sana ako, baka pwede mo kong tulungan” pakiusap ko rito “Kung uutusan mo ko manloob ng bahay, hindi ko gagawin yun Arya. Dancer ako hindi akyat bahay”anito “S i ra ulo, hindi no. Basta, kita tayo mamaya sa may Tomas Morato.” sabi ko rito. “Ms. Corienne, uuwi ka na ba? Nasa labas ulit si Mr. Arcantez” tanong sa akin ng co- teacher ko “Yes, ma’am. Pwede ba ako ulit makisabay kahit hanggang sa kabilang kanto lang.” pakiusap ko rito “Talagang deads na deads sa’yo si Sir ah. Lagi kang inaabangan. Bakit kasi ayaw mo magpaligaw.” palatak na

