Chapter Twenty Five

2793 Words

Janella's POV Sa totoo lang hindi ko inaasahan na ganito lang kami magkakaayos. Umaasa ako ng maemosyonal na drama, paghingi ng kapatawaran, at iba-iba pa. Ngunit parang walang nangyari, inignora namin ang hindi namin pagkakasundo. Naramdaman ko ang marahan niyang pagtulak sa akin dahilan ng pag-atras ko. Ilang hakbang lang ay naramdaman ko ang dingding sa likod ko at tuluyang napasandal doon. Binitiwan ni Kiel ang aking labi para huminga, saglit na nagkatitigan kami bago muling pumikit nang magaan niya akong hinalikan uli. Naging saglit lang iyon nang kaagad din lumipat sa tainga ko ang kaniyang halik. Naikagat ko ang labi ko, para akong kinikiliti. Muling lumipat ang halik niya sa aking pisngi at panga. Napaigik lang ako nang maramdaman ko ang sakit doon, gawa pa rin ng sampal ni Papa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD