Jean Avril Mendoza's Point of View:
Napansin ko namang napakamot nalang 'yong guy sa batok niya, pinagmamasdan ko lamang siya ng tingin at nakita ko namang nakatingin siya ngayon kay Vanny. Not to be judgemental ah pero feeling ko target niya si Vannessa haha, well not so fast 'di ako papayag f**k boy raw eh.
"Uhm wait, ipapakilala ko kayo sa isa't isa. Well girls, this is my kuya Bryan, (turo ro'n sa lalaking kahawig ni Lee Min Ho) This is Julian or Ian nalang (turo sa lalaking naglalaro ng cellphone, 'yong kahawig ni Min Hyuk) and lastly ito naman si... huwag na pala 'yan, 'di naman yan kasali haha" Pabirong ani ni Avi sabay inom ng kaniyang strawberry shake na ikinatawa naman naming lahat.
Pero alam niyo may napansin ako, ulitin ko napansin lang ha pero wala naman sa akin kung ano pero napapansin niyo rin ba na pag dating do' sa Ian eh biglang nag blush si Avi? Hmm I smell something fishy ha... chos! Support mga mamsh pogi naman 'yong guy.
"Tch, ewan ko sa 'yo Avi haha by the way, I'm Ethan. Ethan Rodriguez at your service guys" pagpapakilala niya sa amin pero obvious na kay Vanny pa rin siya nakatingin. Naku! Naamoy ko na, womanizer ang dating nitong si Ethan tsk tsk. Pagpapakilala palang halata na talagang malandots haha at si best friend pa talaga ang pinuntirya.
"Well tapos na kami magpakilala, siguro kayo naman ang magpakilala" Jolly namang pagkakasabi no'ng Ian sa amin.
Ahh kaya naman pala mukhang crush ni Avi, mukhang good boy ang isang 'to haha kaso mukhang adik sa laro pero nevermind haha kaniya kaniya naman kasi tayo ng paguugali 'di ba? Magsasalita na sana ako ng upang maunang magpakilala ngunit natigilan ako nang biglang magsalita si Avi.
"Hep hep! Not to be bida bida ah pero feeling ko ayaw ng friends kong magpakilala dahil nahihiya hehe, sisters connection! So ayon na nga, ako na ang magpapakilala sa kanila. Well this girl na mukhang masungit is Jam while this girl naman na medyo kahawig ko 'raw' at mukhang jolly ay si Vannessa" Pagpapakilala sa amin ni Avi pero teka, bakit parang may halong pagiging judgemental 'yon ha? Hmm haha joke!
Ang daming taong first impression sa akin ay masungit because of the way I look, gawa ng mata ko ang pinaka dahilan ika nga nila haha ang sama ko raw kasi tumingin eh parang nangangain ng tao. Kapag daw tumingin ako, parang hinuhusgahan ko na ang buong pagkatao no'ng tinignan ko kahit 'yong totoo eh nakatulala lang naman ako haha geez.
Tinignan ko sila isa isa dahil tinatandaan ko ang mga mukha nila. No'ng time naman na tinignan ko 'yong Bryan ba 'yon? Ah basta ayon no'ng time na mukha naman niya ang kikilalanin ko ay napansin ko namang nakatingin din siya sa akin pero bigla siyang umiwas ng tingin at naglakad nang papalayo. It seems weird actually haha may problema ba 'yon sa akin? Lol.
Napansin ko namang nakita nina Ethan at Ian na umalis si Bryan kung kaya naman ay napansin ko silang dalawang nagkatinginan at kunalaunan eh napagpasiyahan na ring umalis ngunit bago sila makalayo ay nagpaalam muna sila sa aming tatlo nila Avi.
"Bye girls! Aalis na kami" paalam ni Ethan at sinundan na 'yong Bryan.
"Bye Avi! Bye rin sa inyo hehe" Paalam naman no'ng Ian at nanakbo na rin paalis upang sundan 'yong dalawang nauna.
Sinundan ko lamang ng tingin 'yong dalawang lalaking umalis at nang mawala sila sa paningin ko ay ibinaling ko namang bigla ang pansin ko rito sa dalawang kasama kong kambal, joke. Tinignan ko si Vanny na nakatingin sa kawalan kaya ang ginawa ko, kinaway kaway ko 'yong kamay ko sa mukha niya at bigla naman siyang natauhan.
"Huy Vannessa, ano nanaman ang nangyayari sa iyong babaita ka?" Natatawa kong pagkakatanong sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang singkit na mata.
Napansin ko namang bigla siyang namulang muli at umiling biglang kasagutan na 'hindi' ro'n sa pagkakatanong ko kanina na kung ano ang nangyayari sa kaniya. Napatango tango na lang ako bilang pag sangayon at kunwari eh naniniwala ako sa kaniyang tugon kahit na hindi dahil obvious na may koneksyon do'n sa Ethan kung bakit siya mukhang kamatis ngayon.
Natawa nanaman akong bigla at binaling ang atensyon ko ro'n sa isa naming kasama, tinignan ko naman ngayon si Avi na nakatulala at nakatitig sa kawalan habang ang lawak lawak ng ngiti. Isa pa ang isang 'to. Tulad ng ginawa ko kay Vanny, Iwinagayway ko rin ang kamay ko sa kaniya na nakakuha naman ng kaniyang atensyon na dahilan kung bakit napatingin siya sa akin.
"Yes? What? Why? What do you need Jammy girl?" Nakangiti at energetic niyang sambit dahil sa ginawa kong pagkuha ng kaniyang atensyon.
Something is fishy talaga sa kanila no'ng Ian ha! Naku, hindi pwedeng hindi namin siya maiinterview about do'n haha. I just smirked and crossed my arms, ever since dumating 'yong tatlong lalaking iyon eh nagkaganito na ang dalawang 'to, malyamo sinapian ng ligaw na kaluluwa haha. Napapalumbaba na lamang ako at nakaisip ng isang paraan para hulihin ang isang 'to patungkol do'n sa Ian.
"Alam mo, parang may napapansin ako. Parang ang cute no'ng Ian hmm..." pambibiro ko sa kaniya at hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil bigla naman siyang tumingin sa akin at inirapan ako, obvious na obvious ang feelings nito para ro'n sa isa ah hmm.
"He is mine, akin lang si Ian 'no? Huwag kang epal d'yan hmp!" Masungit niyang pagkakasabi at pumalumbaba kinalaunan.
Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa reaksyong ipinakita ni Avi, jealousy at its finest ha? Haha but she looks cute when she is jealous, ang sarap pisilin ng pisngi grr.
"Hahahaha! I'm just kidding lang 'no?" Tawang tawang pagkakasabi ko sa kaniya, napailing iling nalang ako at sumipsip ng chocolate shake ko. Dahil sa sinabi kong 'yon eh bigla namang nagliwanag ang mukha niya, happy much? haha.
"What? You're just kidding lang ba ha? Siguraduhin mo lang 'yon ha, I like him a lot kasi pero if you really like him, I'll sacrifice na lang kung gusto mo talaga siya haha but it's not going to be easy for your information hehe" Seryosong tugon ni Avi na may halong lungkot sa kaniyang mukha at boses.
"Don't worry, walang magsasacrifice okay? I don't like him naman and to be honest, wala akong gusto kahit na sino 'no! Haha and besides, if you really like Ian then we are willing to help you just like what it's supposed to be" Dahil english ang salita sa akin ni Avi edi syempre english din ang tugon ko sa kaniya, baka Jam 'to haha.