Jean Avril Mendoza's Point of View: "Oo..." Tugon ko sa kalagitnaan ng aming pagkain ng hapunan ni Jackson. Natatawa ako dahil napansin ko naman kaagad sa kaniyang itsura na hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti at mapatigil din sa pagkain katulad niya. "Ha? Ano 'yung sinasabi mong 'Oo'? Wala naman akong tinatanong sa 'yo na kailangang sagutin ng 'Oo' at 'Hindi' 'di ba?" Tanging sagot niya sa akin na tila ba sobra pa sa sobra kung maguluhan. "Hahaha, ang slow mo naman!" Kutya ko sa kaniya at muking ipinagpatuloy ang aking pagkain. We are actually on a dinner date, dinala niya kasi ako sa isang restaurant dito sa Tagaytay since he wants to bond with me... together with our child, Jana M. Black. She's already seventeen years old, ang bilis ng

