Pageant Part Two. Vannessa Sanchez’s Point of View: Oras na para sumagot ako sa Q and A portion kung kaya naman ay tinawag na ang pangalan ko no'ng emcee na dahilan naman kung bakit nag lakad ako tungo ro'n sa tamang pwesto na tatayuan ng bawat candidates na kasali sa Intramurals. Habang naglalakad ako papunta ro'n sa stage ay malugod kong sinunod ‘yung payo sa amin no’ng coach namin sa modeling. Kailangan sa stage ay bitbit namin ang aming confidence at huwag magpapadala sa kahit na ano mang pressure sa paligid. Rinig na rinig ko naman ang mga hiyawan at palakpakan ng mga manonood kung kaya naman ay ngumiti ako sa kanilang lahat habang confident pa rin sa aking sarili, ang saya pala sa feeling na kahit sa ganitong paraan man lang ay tumataas ang kumpyansa ko haha. Being in this kund

