Scott Galiego 's Point Of View.
"Let's give it up for The One And Only... BLACK ELITE!!" Pagpapakilala samin ng facilitator ng underground world. Napuno naman ng hiyawan ang paligid ng battle arena
Dumiretso na kami sa gitna katapat ng aming makakatunggali ngayon ang Chaos.
Binubuo sila ng mahigit sa sampung miyembro samantalang kami? 5 lang! Gaano ka unfair yun diba tch?
Pero wala pa din naman silang panama samin. Kami lang naman ata ang Black Elite? *smirk*
Tinignan ko sila isa isa sa mga mata upang mas lumakas tensyon sa paligid. Muli namang naghiyawan ang mga tao nang biglang tumunog ang buzzer.
"Magsisimula na ang isang maduguang labanan sa pagitan ng dalawang nagsisipaglakihan na grupo! Mukhang magiging makubuluhan ang pangyayari ngayong Gabi ah! Tingnan natin" MC
Pumuwesto na kaming lima. Walang armas ang maaaring gamitin sa labanang ito dahil kung nahuli kang nandaya may isa kang mabigat na parusa.
Tumakbo papunta sakin si Fox at akmang ir roundhouse ako pero hindi siya nagtagumpay ng umusod ako at tumama naman yung technique niya sa kaniyang kakampi.
Napangisi nalang ako at tinatapatan ang isa pang kalaban. Nakahanda na itong manuntok pero inunahan ko siya ng sipa sa kaniyang tagiliran na dahilan ng kaniyang pagluhod.
Sinugod naman ako nung dalawa kanina. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay habang unti unti namang tumayo mula sa pagkakaluhod yung isa at sinuntok ako sa sikmura.
"f**k!!" Napamura nalang ako sa sakit. Susuntukin niya pa ulit Sana ako nang bigla ko siyang sipain ng malakas sa kaniyang pinakainiingatan.
"TANGA MO BOBO!" Sigaw ko sa kaniya na namamalipit sa sakit. Binalik ko ang atensyon ko sa dalawang nakahawak sakin.
Hinead bang ko si fox at malakas na inagaw ang brasong hinahawakan niya habang siniko ko naman yung isa kaya pareho silang napaatras.
Bumalik ulit si Fox at susugurin sana ako ng suntok sa mukha pero dahil sa pagiging alerto ko hinawakan ko ang kaniyang kamao at ni-counter punch siya diretso sa panga dahilan ng pagbagsak nito.
"One Down" bulong ko at humarap naman dun sa isa pa. Nginisian ko lang siya at jinab ang mukha niya. Napamura siya sa sakit habang nakahawak sa dumudugong ilong.
"THAT'S RIGHT BABY" Malakas kong sigaw sa kaniya at nakita ko naman yung lalaking sinipa ko sa ari na susugudin ako kaya binutterfly kick ko silang dalawa at sabay naman silang napatumba.
Napailing nalang ako at iniwan na ang tatlong bugbog sarado. Tumakbo ako papalapit kay Vince na natumba dahil sa suntok na pinakawalan sa kaniya nung katapat niya, Si Andrei.
Nang makalapit ako sa kaniya, In-axe kick ko siya kaya tumilapon siya sahig. Nilapitan ko siya at tinadyakan sa paa. Napamura siya sakit at hinila ang paa ko pero huli na siya dahil bigla naman siyang sinipa ni Vince sa tagiliran.
"Woah! Napagod ako dun ah!" Ani ko kay Vince na nasa tabi ko habang pinapanood naming lumaban yung tatlo. 3 vs. 12 ang labanan? Psh.
Nakita ko si Jackson na blanko ang ekspresyon sa mukha habang nakikipaglaban. Habang si Phoenix at Xander naman mukhang nageenjoy.
Napansin ko namang lima ang nilalabanan ni Jackson pero parang wala lang iyon lahat sa kaniya dahil napataob niya agad ang mga iyon sa isang iglap.
Habang si Xander naman ay nacorner nung tatlo niyang kalaban pero hindi ito nagtagal dahil mabilis siyang nakawala sa nga ito at isa isa niyang pinagsusuntok.
"Hoy kayong dalawa! Hindi ba kayo tutulong Dan ha?!" Sigaw samin ni Phoenix habang nilalabanan niya si Gio.
"Kaya niyo na yan!" Malakas kong sigaw sa kanila at ininom yung tubig na nasa tabi ko. Tanging palatak lang ang narinig ko sa kaniya at Malakas niyang in-upper cut ang katapat niya.
Bali 3 vs. 4 na ang labanan ngayon. Naisipan kong tumayo upang muling sumabak sa labanan para maging one on one ang kalabasan. Matira matibay.
Kay Jackson nakatapat ang leader ng Chaos na si Zid samantalang nasakin naman ang Co Leader na si Ryan.
Siga siyang nakatingin sakin habang pinapatunog ang mga buto sa kamay. Nginisian ko lang siya at inambaan ng front kick pero nakailag siya at sinuntok ako sa mukha.
"f**k?!" Nangagalaiti kong sigaw sa kaniya at sinugod siya. Sa mukha ba naman ako suntukin tch?! Sugatan na niya ang lahat huwag lang ang mukha ko tch.
Nakangisi siyang nakatingin sakin at akmang ise straight punch ako pero bigla akong nag shoulder roll bilang depensa at niroundhouse kick siya. Bahagya naman siyang tumalsik habang may mga dugong tumutulo sa labi niya.
"PUTA!" Malakas na mura ang pinakawalan niya. Dahan dahan siyang tumayo at pinunasan ang dugong di parin tumitigil sa pagtulo gawa ng pagkaputok ng gilid ng kaniyang labi.
Mas tumindi naman lalo ang hiyawan ng mga taong nasa paligid dahil sa tensyong dala namin Dito sa gitna. Napailing nalang ako dahil biglang sumugod sakin ng sipa tong si Ryan na nailagan ko naman.
"DULING BOBO!" Sigaw ko at kinuha na yung chance na nakahiga siya sa sahig. Malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya at nawalan naman siya ng Malay tch.
--
"Aray! Putek dahan dahan naman oh!" Pagrereklamo ko kay Phoenix na madiing nililinis ang sugat sa pisngi ko gamit ang alcohol at bulak.
"Puta! Ano pang gagawin kong pagdadahan dahan ha? Tch" pangangatwiran niya at mas lalong idiniin ang bulak na may alcohol.
"f**k!" Malakas kong mura sa kaniya na ikinatawa naman niya. Tiningnan ko siya ng masama at lumayo na.
"Pano ba yan? Black Elite nanaman ang nangunguna sa listahan tsk tsk" mayabang na pagkakasabi ni Vince habang umiiling iling pa.
"Parang andami mong ginawa ah" sambit ko sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at pinaltan ng yelo yung ice pack at inabot kay Xander.
Mahimbing lamang na natutulog si Jackson sa sofa habang wala man lang kagalos galos miski sa katawan niya. Hays