Jean Avril Mendoza’s Point of View: Sa sobrang pagod ko kagabi ay nalimutan ko ng buksan ‘yung binigay sa akin no’ng babae na regalo kagabi kung kaya naman ay pagkagising na pagkagising ko ngayon, kinuha ko na ito sa ibabaw ng study table ko ngunit nago buksan ay pinicturan ko muna ito ng maganda ng sa gayon ay may remembrance ako. Ng matapos ko ng picturan ay kaagad ko na itong binuksan at nanlaki na lamang ang aking mga mata dahil sa nakita ko. Isa itong branded na kwintas mula sa Tiffany & Co. Kanino kaya ito galing? Wala kasing nakalagay eh hahaha pero sobrang elite naman ng taong nagbigay sa akin nito dahil biruin niyo, hindi biro ang presyo ng mga alahas do’n. Napangiti na lamang ako at humarap sa salamin para sukatin ‘yung kwintas na binigay ng kung sino man sa akin at mayroon pa

