Jean Avril Mendoza’s Point of View: Days have passed magmula no’ng aksidente kong pag amin kay Jackson. Ilang araw na rin ang lumipas magmula no’ng hindi ko na siya nakikita pa sa Campus. Hindi ko na rin alam kung ano ang nangyayari sa kaniya, nagalala pa rin ako kahit na ganito ang sitwasyin namin ngayon. Alam ko rin naman kasi na mali ako sa ginawa kong ‘yon sa kaniya, sinisi ko sa kaniya lahat ng pain na naramdaman ko although alam ko naman sa sarili ko na ako ang kusang umasa at hindi siya. I’m not protecting him, sadyang nakokonsensya lang ako dahil ‘yon naman talaga ang totoo. Hindi niya ako pinapaasa, nagexpect lang talaga ako in first place sa mga sweet actions niya patungo sa akin. Napakunot na lamang ang aking noo at sinimulang mag browse sa aking f*******:. I tried to search

