"This is all your fault! Kaya kami nandito! Kasalanan mo ang lahat!!!!"
"Mama, ayaw ko na po dito! Mama, kunin mo na kami!"
The place was dark. In fact it was the darkest place she'd ever been. Pinipilit niyang hanapin kung saan nanggagaling ang mga tinig. Isang puno ng galit at isang puno naman ng takot. Tumakbo sya sa direksyong patungo sa boses na humihingi ng tulong. Alam niyang boses yun ng mga anak niya. Pero sa tuwing nararamdaman niyang malapit na siya sa boses na iyon ay napapalitan iyon ng tinig na galit. Tinig ng dati niyang asawa na si Lawrence. At maririnig niyang muli ang tinig ng mga anak sa malayong dako. Muli na naman siyang tatakbo patungo duon ngunit muli ring papalitan iyon ng galit na boses ni Lawrence. Napapagod na sya. Hanggang kailan ba nito isisi sa kanya ang kasalanang hindi naman niya sinasadya! Ang kasalanang ito naman ang punu't dulo! Hanggang kailan ba niya hahabulin ang mga tinig ng mga anak niyang nagmamakaawa sa kanya!
Naalimpungatan si Coco dahil sa narinig niyang mahihinang ungol na nagmumula kay Lora. Nakasubsob siya sa gilid ng kama nito habang hawak niya ang isang kamay nito. He's been like this for a few days already and still will be like this even if it will be forever!
Inangat niya ang sarili at tiningnan si Lora. Pabiling-biling ang ulo nito habang mahinang umuungol na para bang naghihinagpis. Pinisil niya ang kamay nitong nasa palad niya. Hinaplos ang ulo at marahang sinambit ang pangalan nito, "Lora, wake up, nananaginip ka."
Ang malambing na tinig na iyon ang tila humila kay Lora mula sa kadilimang kinaroroonan niya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay ang nag-aalalang itsura ni Coco ang bumungad sa kanyang paningin.
"Is it those dreams again?" masuyong tanong nito sa kanya habang matiim na nakatingin sa kanya.
Umiwas siya ng tingin dito at ipinaling ang atensyon sa may pintuan ng silid.
Bumuntunghininga ito bago muling nagsalita, "I'll talk to your doctor later. Itatanong ko sa kanya kung bakit nananaginip ka ng ganyan at paulit-ulit pa." Umayos ito ng upo. Sa paggalaw nito ay naramdaman niya ang mga kamay nitong nakasalikop sa isa niyang palad. Marahan niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Muli niyang narinig ang pagbuntunghininga nito.
Although she felt cold when he released her hands, she didn't give it much thought. "Kailan daw ba ako pwedeng lumabas ng ospital? Ilang araw na ako dito. Hindi pa ba ako pwedeng lumabas?"
"May mga lab tests pang hinihintay ang results bago ka tuluyang madischarge. We just want to make sure na ok ka na talaga," tugon ng lalaki.
Bumuntonghininga siya, "Pasensya ka na at sobrang naabala na kita. Hindi mo naman kailangan bantayan ako 24/7. Ok naman na ang katawan ko. Alam kong busy ka na tao, given your status kaya sobrang nakakaabala na talaga ako sa'yo. Pwede ka namang umuwi muna. I can manage myself."
Umayos ng upo si Coco. "Once na discharge ka na dito sa ospital, at naihatid kita sa inyo, at nasigurado kong maayos na talaga ang kalagayan mo, aalis na ako. But for now, I'll stay. You still need someone right now. And that someone is me."
"Hindi ba nagtataka ang manager mo? Ilang araw ka na na nandito and yet hindi ka ba niya hinahanap?"
"I'm on leave."
"Mali pa din na nandito ka. What if may makakita sa iyo dito sa ospital na ito? I just don't want to be dragged on some showbiz issues."
Tumayo ang binata, "Don't worry. This hospital is private and they don't disclose any information in the public so our privacy is safe here. Lalabas muna ako to buy some food. Magpahinga ka na muna. I'll be back in a minute. "
Tumalikod na ito at nagtungo sa pintuan ng silid. Pero bago tuluyang makalabas ang binata ay nagsalita siya.
"I hope you won't take it against me. I am thankful sa pagtulong mo. But I hope you don't take me as a charity case. Besides, I just want to protect my privacy as a private individual, as well as yours, since you're a public figure. But nonetheless, I am grateful for all the things you've done."
Hindi siya nilingon ng binata ngunit sumagot ito," I know and I understand. You don't have to worry about it," wika nito bago tuluyang lumabas ng silid.
Inikot ni Lora ang paningin sa kabuuan ng silid na iyon. It was a private hospital suite, may sariling tv at ref, bukod pa sa couch at isang maliit na kamang para sa nagbabantay pero ni minsan sa ilang araw na pananatili niya doon ay hindi niya nakitang humiga doon si Coco. Sa tuwing gising siya ay saglit itong lumalabas para bumili ng mga kailangan nila katulad ng pagkain at personal things pero kaagad ding babalik. Madalas na uupo ito sa couch na nasa katabi ng pintuan, magbabasa ng dyaryo o magasin o kaya naman ay nakatutok sa cellphone at laptop nito. At madalas naman kapag nakakatulog siya at dadalawin ng masamang panaginip ay lagi itong nandoon sa tabi nya para gisingin siya. Isang beses na naalimpungatan siya sa kalagitnaan ng gabi ay nagisnan niya itong nakaupo sa tabi ng kama niya, nakasubsob sa tagiliran niya at mahimbing na natutulog habang hawak ang kamay niya na tila ba iyon ang pinakatamang ginawa nito sa pakiramdam nya. The warmth of his hands on hers gives her comfort and security she hasn't felt for years. She knows he's just being responsible for what happened to her though it was not his obligation. He happens to be passing by when the incident occurred and from that he took over in taking care of everything.
She's thankful for that pero ayaw niyang masanay. Dahil oras na lumabas na siya ng ospital ay babalik na siya sa dati nyang buhay, ang mag-isa. At ang ilang araw na pananatili dito sa ospital gayun din sa pagiging dependent sa binata ay mali para sa kanya. Mali dahil dapat ay mag-isa lang siya.
Bumangon si Lora mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama. She got down from bed and went outside of her room. Ilang araw na siya sa ospital na iyon at nais nya sanang sumagap ng hangin sa labas. Mamaya pa siguro magbabalik si Coco kaya naisip niyang lumabas muna. Wala naman na siyang dextrose kaya malaya naman siyang makakalabas. Nakita niya sa minsang pagsilip sa bintana ng silid niya na may munting garden ang ospital na meron pang swing. Gusto niyang pumunta duon para maglibang.
Hindi na siya nagtanong sa nurse station dahil may mga signage naman nagtuturo kung may area sa ospital na gusto kang puntahan. Nang makarating doon ay agad siyang naupo sa isa sa mga swing at marahang idinuyan ang sarili. She remembered her kids. They love going to the park and playing on the playground. She remembered how they laugh kapag idinuduyan sila ng malakas ng daddy nila at siya naman ay magsasaway dito. Napapikit si Lora. She missed her kids. It's been two years and yet the pain of losing them still feels like yesterday. She may have continued living but she knows she doesn't have her purpose. Tanging ang pagsusulat na lamang ang masasabi niyang nagtatawid sa kanya sa pang-araw-araw na buhay. At sa bawat kwentong isinusulat niya ay nandodoon palagi ang sakit sa pagkawala ng mga anak niya...
Coco arrived at the hospital room and was worried ng madatnan na walang tao duon. Kaagad niyang chineck ang cr kung nanduduon ang dalaga pero wala ito don kaya naman agad siyang lumabas at nagtanong sa nurse station. Nang hindi siya nasagot ng mga ito ay nagpanic siya. At agad na inalerto ang security ng ospital. Kung anu-anong masasamang eksena na ang tumatakbo sa utak niya pero agad niyang iwinaksi iyon. Nang sabihin sa kanya ng isang security officer kung saan matatagpuan ang dalaga ay dali-dali siyang nagtungo sa garden. Mabilis siyang tumakbo palapit dito at walang kaabug-abog na hinila ito palapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit!
"Please don't vanish from me again!"