The Incident

1395 Words
Its been two years since she left her house in Lucena and settled here in Batangas. So far, so good naman ang mga nangyayari sa buhay niya. Tahimik lang, maayos naman ang daily routine nya sa araw-araw, at higit sa lahat, kahit papaano ay nakakalimutan niya paminsan-minsan ang mga malungkot na pangyayari sa nakaraan niya. Hindi niya ipinaalam kahit kanino sa mga kapatid niya at sa iba pa nilang kamag-anak kung saan siya nagpunta. Pero may ilang beses na din siyang bumalik ng Lucena upang dumalaw sa puntod ng mga anak niya. Iyon ay sa parehas na kaarawan ng mga bata at death anniversary ng mga ito. Sa mga panahon na iyon ay nagkikita sila ng mga kapatid nya dahil natyetyempong dumadalaw din ang mga ito sa mga pamangkin nila kaya naman kahit papaano ay naipaalam niya sa mga ito na maayos naman ang kalagayan nya. Katulad ngayon, nasa byahe sya pabalik ng Batangas galing ng Lucena dahil dumalaw siyang muli sa puntod ng kaniyang pamilya para sa ikalawang anibersaryo ng pagkasawi nila. Kahit papaano ay napatawad na din niya ang asawa sa nagawa nito at kasabay din niyon ay napatawad na din niya ang kanyang sarili. Sabi nga ng ate niya, iyon lamang ang paraan para makapagpatuloy siya sa buhay. Kaya naman sa tuwing dumadalaw siya ay kasama na rin sa mga panalangin niya ang yumaong asawa. Wala siyang naabutang ibang dumalaw pero may nadatnan siyang mga bulaklak at nakatirik na kandila ng dumating siya duon kanina. Marahil ay isa sa mga kaanak din nila na nakaalala sa death anniversary ng kanyang pamilya. Nang makarating sa poblasyon ay bumaba na siya sa may palengke upang mamili ng mga pangangailangan niya sa loob ng isang linggo. Medyo malayo kasi yung bahay ng lolo at lola niya sa mismong bayan kaya naman lingguhan kung mamili siya ng mga pangangailangan niya. Meron siyang kinokontratang tricycle na taga doon sa barangay nila para may masasakyan na siya balikan. Mamaya na lang niya tatawagan yung kakilala niya para magpasundo kapag malapit na siyang matapos mamili. Pagkatapos ng nangyaring aksidente ay hindi na siya muling humawak pa ng manibela ng kahit anong klaseng sasakyan o kahit pa nga ang maupo sa passenger seat ng kahit anong kotse. Hindi naman maiiwasan na magkaroon siya ng phobia pagkatapos ng nangyari. Kaya naman ni minsan ay di na ulit siya sumubok pang sumakay ng kotse lalo na ang magmaneho. Sa tuwing bibiyahe siya ay sa mga pampublikong transportasyon na lamang siya sumasakay tulad ng bus, jeep at tricycle. Inuna niyang maggrocery para bumili ng mga delata, sabon, instant na pagkain, mga gatas, kape at asukal at iba pang mga pangangailangan na sa grocery mabibili bago siya magtungo sa palengke para naman bumili ng mga gulay, karne at isda. Di naman ganoon kadami ang bibilhin niya yung sapat lamang na pangkunsumo niya sa loob ng isang linggo. Pero dadaan na din siya sa mall para bumili ng ilang damit. Next week kasi ay luluwas naman siya sa Maynila para makipagkita sa editor niya. Meron daw itong gustong ipakipag-usap sa kanya tungkol sa isa niyang nobela. Mukhang may offer na gawing movie or teleserye ang isa sa kanyang mga akda. Wala pa naman siyang malinaw na ideya kaya napag-usapan nilang luluwas na lamang siya next week para makausap ito. Tapos na siyang mag-grocery kaya naman inihabilin na muna niya ang mga pinamili sa baggage counter. Babalikan na lamang niya kapag tapos na siyang mamalengke. Naisipan niyang dumaan na muna sa mall para makapili ng damit bago dumeretso sa wet market. Pagkatapos makapili ng susuotin niya para sa pagluwas ng Maynila ay dumeretso na siya sa wet market para bumili ng isda, karne at iba pang mga pangangailangan niya. Dahil malapit sa back entrance ng mall ang daan papunta sa wet market ay duon niya piniling dumaan. Kakaunti lamang ang mga nagdadaang customers ng mall duon dahil bukod sa malayo sa main entrance at sa parking ay hindi naman lahat ng customers ng nasabing mall ay nagtutungo pa sa kalapit na wet market. At dahil likod din ng mismong palengke ang nilalabasan ng back entrance ng mall kaya naman wala ding masyadong mamimili sa parteng iyon. Pagkalampas pa ng isang maliit ngunit mahaba-haba ding eskinita ang pinakang palengke. Mag-aalasais na din iyon ng gabi kaya naman medyo papadilim na ang daan pero dahil nasanay na naman siyang dumadaan duon sa tuwing magtutungo siya ng poblasyon at palengke kaya naman di niya alintana ang bahagyang papadilim na. Nasa kalagitnaan na siya ng nasabing eskinita ng tila maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Nung una ay hindi niya pinapansin dahil inisip niyang baka dumadaan din lamang pero ng minsang mapahinto siya para silipin ang oras sa cellphone niya ay napansin din niyang huminto iyon kaya naman binilisan niya ang paglalakad pero bumilis din ang lakad ng lalaki. Ilang sandali pa ay nasa tabi na niya ito at nahawakan na siya sa palapulsuhan niya. "Miss, mabilis lang ito. Wag kang kikilos ng masama," bulong nito sa kanya, warning in his tone. "Kuya, maawa po kayo sa akin," pakiusap niya. Meron din siyang naramdamang tumutusok sa tagiliran niya. "Walang masamang mangyayari sa'yo kung susunod ka lang sa sasabihin ko," saad nito."Deretso lang ang lakad!" Wala siyang nagawa kundi ang sumunod lang dito. Walang sinuman ang nakakasabay o nakakasalubong man lang nila ng mga oras na iyon kaya hindi niya magawang humingi ng tulong. At kung susubukan naman niyang manlaban ay malamang na ikapahamak lamang niya lalo. "Kuya, kung anuman po ang masamang balak ninyo, wag nyo na pong ituloy. Please, parang awa nyo na po. Matakot po kayo kay Lord. Ayaw po ni Lord ng masamang gawain." "Tigilan mo ako sa sermon mo! Wala akong pakialam sa lord mo! Kanina pa ako naglalaway sa iyo!" Kinilabutan si Lora sa narinig! Diyos ko po, mukang mare-rape pa po ako! Please Lord, huwag nyo pong hayaan na mapahamak po ako sa kamay ng mamang ito! Tahimik niyang naidalangin. Papalabas na sila ng eskinita kaya naman may mangilan-ngilang tao na siyang nakikita ngunit di pa rin niya magawang pumiglas sa lalaki dahil sa kutsilyong nakatutok sa tagiliran niya. Hinila siya ng lalaki papalapit sa isang sasakyan at pinilit na isakay duon. Saglit na inalis ng lalaki ang pagkakatutok ng kutsilyo sa kanya upang buksan ang pinto ng sasakyan at yun ang sinamantala niyang pagkakataon. Mariin niyang itinulak ang lalaki kaya naman nawalan iyon ng panimbang kaya natumba ito. Pero dahil ang tanging daan para makalayo siya ay lugar kung saan ito natumba kaya naman kinakailangan niyang hakbangan ang lalaki upang makaalis. Pero agad na nahawakan ng lalaki ang isa niyang binti kaya naman natumba din siya at napasigaw! "Bitiwan mo ako!" aniya habang pilit na ipinapagpag ang binti na nahawakan nito. "Walanghiya ka at tatakasan mo pa ako," gigil na wika nito habang mariin pa din na nakahawak sa kanyang binti. Nagtangka itong tumayo subalit nagawa niyang sipain sa may balikat ito gamit ang paang hindi nito nahahawakan kaya naman muli itong natumba pero kapit pa din nito ang binti niya. Gumapang ito at dinaganan siya kaya naman nahirapan siyang kumilos pero patuloy pa din siyang nagpumiglas! "Bitiwan mo ako!" sigaw niya. "Dadalhin pa sana kita sa paraiso eh pero dahil matigas ka, pwede din naman kahit dito na lang!" Hinawakan nito ang magkabila niyang mga kamay at idiniin ang katawan sa kanya. Akmang hahalikan siya nito pero nagawa niyang duraan ito sa mukha. Hindi siya basta basta na lamang susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang sarili kahit anong mangyari. Dahil sa ginawa niya ay nagdilim ang mukha ng lalaki. Balbas sarado iyon at mukhang ilang araw na ding hindi naliligo. Namumula at tila nanlilisik pa ang mga mata niyon. Nalalanghap niya ang masangsang na amoy nito na halos ikaduwal niya pero nilabanan niya. Manlalaban siya hangga't kaya niya! Akmang tutuhurin niya ang lalaki pero naunahan siya nito at nasuntok siya sa sikmura dahilan para manlambot siya! Kasunod niyon ay sinampal din siya sa kaliwang pisngi dahilan para manlabo ang kanyang paningin. Pinipilit niyang labanan ang nakaambang pagkawala ng kanyang ulirat! Pero alam niyang wala na siyang magagawa. Unti-unti ay nararamdaman niya ang pagkaubos ng lakas at ang papadilim na kapaligiran. Naramdaman pa niya ang pagtatangka nitong alisin ang kanyang damit, ang paglayo nito sa kanya, marahil ay upang mas madali nitong maalis ang kayang kasuotan, bago tuluyang siya ay nawalan ng malay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD