SA KABUNDUKAN ay makikita ang isang binata na kasalukuyang iwinawasiwas ang kaniyang espada. Ang pagwasiwas niya ay nag iiwan ng marka sa hangin at nagkakaroon ng mga pinsala sa kaniyang paligid kahit hindi niya ito pinapatamaan. Ang ginagawa ng binata ay ang isa sa mga kaalaman na mayroon siya sa pag gamit ng espada. Maayos niya itong hawak hawak at sa bawat pagwasiwas niya ay mabigat na pwersa ang ibinibigay niya. Sa lakas nang kaniyang mga atake ay ang ibang malalapit na vicious beast ay lumalayo sa kaniya. Dahil hindi nila gustong madamay sa ginagawang pagsasanay ng binata. Ilang estilo ng pag hawak ng espada ang kaniyang ginawa at sa bawat pag wasiwas niya ay mararamdaman ang malakas na hangin. Ang kaniyang mga pag wasiwas ay palakas ng palakas habang tumatagal. Hanggang sa ang kan

