SA ISANG maluwag na silid ay makikita ang babaeng may suot na magarang kasuotan. Ang katawan nito at panlabas na itsura ay mapapansing maganda. Ngunit sa kabila ng magandang panlabas ay ang masama nitong ugali. Dahil sa ugali niyang ito ay marami na siyang mga naalipin. Sa lakas niya bilang isang 5th Angel Rank ay mataas ng antas sa ikalawang palapag. Siya ang dahilan kung bakit wala ng nakakalabas pa sa tower of doom nang buhay Karamihan sa kaniyang mga alipin ay mga hangal na adventurer na ipinadala ng mga nagmula sa mataas na mundo. Pero dahil sa tusong babaeng ito ay wala pang kahit sino ang nakakatapak sa ikatlong Palapag. At karamihan sa mga adventurer ay ginagawa niyang alipin o kaya naman ay pinapaslang nalang Sa kabila ng maamong Itsura ay isang mala demonyong personalidad ang t

