ILANG SANDALI nalang ay malapit ng dumating ang hukbo ng nagngangalang Dracious. Marami ang mga ito at halos magkalampagan ang mga ito sa pader ng bawat bahagi ng unang palapag. Naging alerto silang lahat sa paparating na kalaban. Habang inaabangan nila ang pagdating ng mga kalaban ay nakaisip ng paraan ang munting dalaga na si Alena. Nagliwanag ang kaniyang Heaven's Thread at ang sinulid nito ay mabilis na kumalat sa buong paligid. Gumapos ito sa mga haligi at nagkaroon ng malaking pader na gawa sa sinulid. Napansin ni zuki ang kakaibang hulma nito at ng kumislap ito ay napantanto niya ang kakahinatnan ng lalapit dito. Tiyak na magkakapira piraso ang lalapit dito. Nang makita nila Estevan ang ginawa ng kanilang anak ay namangha sila. Wala tayong oras para humanga kay ate kailangan natin

