Zuki Pov. NANDITO ako ngayon sa adventurer guild para kumuha ng misyon at kagaya kahapon ay ang sasama ng tingin nila saakin. Ang aking kasuutan siguro ang kanilang pinag eenteresan ganun ba talaga kalakas makakuha ng interest ang mga bagay na ito. Nag lakad ako palapit sa receptionist ng may lumapit saakin na isang lalaki at halata ang kalasingan nito dahil pulang pula na. Oy! Bata ang ganda naman ng iyong kasuotan ang ganda naman niyan! Sabi ng lalaking ito at tiningnan ang armor ko. Ano naman kung maganda! Sagot ko kaya naman natawa lang ito na parang nang hahamon. Ang tabas yata ng dila mo bata baka di mo alam kung sino ang kinakausap mo ngayon. Sabi niya kaya naman walang gana akong humarap sa kaniya. Ano naman ngayon at wala akong pake kung sino ka man. Sabi ko at tinitigan laman

