Third Person Pov.
(The innocent bella)
ALAS DIYES pasado na ng magising si bella, medyo maayos na ang pakiramdam nito ngunit pinatimpla pa rin ni giovanni ang nabiling ginger juice. Ang sabi kasi ng napagbilhan nito ay medyo magiging maayos ang pakiramdam ng dalaga kung makakadalawa ito buong maghapon.
Nakasandal pa rin ang dalaga sa kama ng pumasok si giovanni sa silid. Tulala ito habang diretso ang kanyang paningin. Hindi malaman ni giovanni kung anong nasa isip ngayon ni bella, ngunit naupo siya sa gilid ng kama habang dala ang juice na itinimpla ni yaya glor.
“Bella?” hindi man lang niya nilingon si giovanni, kumunot pa ang noo ng dalaga na parang may naiisip na kakaiba. Napabuntong hininga si giovanni bago hawakan ang pulsuhan ng dalaga, doon lang bumalik sa wisyo si bella na tila ngayon lang napuna ang presensya ni giovanni. “Anong nangyari sa-yo?” pumaling ang ulo ng dalaga bago titigan na mabuti si giovanni.
“Gising na ba bella?” tumaas ang kilay ni giovanni dahil sa tanong na iyon ng dalaga.
“Malamang gising ka na, hindi ka naman siguro natutulog habang dilat ang mata mo hindi ba?”
“Akala bella natutulog pa, bella nandito kanina habang natutulog.” nangunot ang noo ni giovanni.
“Dito ka naman talaga natulog.”
“Hindi, tulog bella. Doon sa loob nito natutulog bella habang katabi gio..”
Napatango ang binata dahil sa sinabi niyang iyon, nakuha na nito ang nais niyang sabihin at tila ba sinasabi nito na nasa panaginip niya si giovanni habang magkatabi sila dito sa kama.
“Nananaginip ka, panaginip ang tawag 'don.”
“Panaginip?”
Tumango si giovanni. “Pag tulog ang isang tao, nagkakaroon siya ng panaginip. At iyon ang nangyari sayo kanina.”
Nag-iwas ng tingin ang dalaga bago mag-isip, kalaunan ay tumango siya at muling tiningnan ang binata.
“Bella, ngayon lang meron panaginip. Bella hindi tulog maayos sa simbahan.”
Naipaglapat ni giovanni ang bibig dahil sa sinabing iyon ni bella. Inosente pa rin ang mukha ng dalaga habang nakatingin na ngayon sa dala ni giovanni.
“Bakit hindi ka makatulog sa simbahan? Doon ka ba natutulog at hindi sa kalsada?”
Nag-angat ng tingin si bella. “Simbahan tulog lagi bella, hindi pwede sa labas dahil ma---” biglang natigilan ang dalaga ng mapangiwi siya. Hinawakan nito ang kanyang ulo na para bang biglang sumakit iyon sa naalala niya. “S-sakit...”
“Wait, huwag mo munang isipin 'yon. Just wait until your recovery is fine.”
Hindi sumagot ang dalaga, hawak pa rin nito ang ulo niya kung saan unti-unti ng nawawala ang sakit. Sa tuwing may naaalala ito sa kanyang nakaraan ay madalas na mangyari 'yon. Medyo nabawasan na ang mga alaala nito dahil halos walang magandang nangyari sa nakaraan niya. Puro lamang pasakit kung kaya't sa tuwing may nakikita at naririnig itong nagpapabalik ng alaala niya ay tuloy-tuloy na iyong pumapasok sa isip niya hangga sa sumakit ang ulo nito.
“Masakit pa ba?” umiling ang dalaga matapos kumalma ang sakit ng ulo niya. Hindi na rin nito inisip pa ang tungkol sa simbahan kundi iyong hawak na lang ni giovanni ang siyang muling tiningnan niya.
“Para kay bella tubig?” tumango si giovanni.
“Inumin mo ito para mawala ang sakit ng tiyan mo.” umiling si bella sa sinabing iyon ni giovanni..
“Bella hindi na masakit tiyan.”
“Talaga? Maayos na ang pakiramdam mo?”
“May masakit, ito...” tinapik ni bella ang kanyang gitna dahilan upang mapakurap si giovanni. Malamang na masakit iyon dahil may buwanang dalaw siya, idagdag mo pa na malakas ang menstruation nito sa unang araw niya.
“I-inumin mo lang ito, m-mababawasan ang sakit niyan at baka bukas lang ay wala na.”
“Magic?” bahagyang natawa si giovanni dahil sa tanong niyang iyon. Kalaunan ay tumango siya bago ilahad ang hawak niyang juice.
“Oo, magic 'yan. Mawawala ang sakit mo.”
Kinuha ni bella ang inabot niyang juice at agaran niyang ininom iyon sa pag-aakalang masarap ang lasa nito. Ngunit lahat ng nainom niya ay naibuga lamang niya iyon sa binatang nasa gilid niya. Bukod tanging pagkurap lamang ang nagawa ni giovanni habang nakatingin sa damit nitong nabasa, maging ang mukha niya'y hinilamos nito habang walang masabi sa nangyari.
“Bakit ganyan lasa, gio! Bella hindi inom yan! Ang baho!” nangunot ang noo ng binata.
“Maganda 'yan para sayo, tiisin mo na lang ang lasa.” mariin ng umiling si bella.
“Bella hindi gusto yan!”
Tumayo si bella mula sa pagkakaupo, masama ang tingin sa hawak na baso ni giovanni dahil nga hindi nito nagustuhan ang lasa nito. “Saan gio galing 'yan? Tubig ulan?”
Tumayo rin si giovanni, salubong ang kilay dahil sa inusal ng dalaga. “Don't you think that I'm going to give you a da/mn water rain?”
“Huh?”
“This is a fvcking juice, gamot ito para sayo.”
“Fvcking juice?”
“Hindi, juice lang. Remove that fvcking and don't you try to mention that again, understand?”
“Bella hindi alam sinasabi, gio.”
Napabuntong hininga si giovanni. “Fine, lalagyan ko na lang ito ng gatas para inumin mo, gusto mo ba?”
“Hindi pwede yakult?”
“Alright, I will put two yakult here. Basta't iinumin mo ito, okay?” tumango si bella habang nakatayo ng tuwid, hindi naman talaga masakit ang tiyan ng dalaga. Kundi ay iyong mismong puson nito ang siyang kumikirot kanina. Sa ngayon, namamanhid na lamang ang paa ng dalaga dahil sa nararanasang dalaw.
“Let's go, come with me.”
Umiling si bella. “Ayaw lakad, bella.”
Nangunot ang noo ng binata. “Why?”
“Way?” napahilamos sa mukha si giovanni dahil madalas niyang makalimutan na hindi pala nakakaintindi ng ingles si bella, but he's not pissed now. Instead, he find her cute today. Kung dati ay mabilis na uminit ang ulo nito sa dalaga ngunit ngayon, hindi na ganoon masyado. Kundi, sumasakit na lamang ang ulo ni giovanni dahil kailangan pa niyang ipaliwanag kay bella lahat ng sinasabi niya.
“Hihintayin mo na lang ba ako dito?” umiling si bella
“Sama bella.”
“Then why don't you walked?” dalawang beses na kumurap si bella bago tumango. Humakbang siya sa isang beses dahilan upang magpatuloy na sa paglabas si giovanni.
Ngunit nang lingunin nito si bella ay nasa pintuan pa rin siya habang si giovanni ay malapit ng makarating ng hagdan. Napabuntong hininga ito bago niya kagatin ang kanyang labi. Hinayaan niya itong maglakad kahit na medyo nahihirapan ang dalaga sa pamamanhid ng paa nito.
Dumiretso si giovanni sa kusina kung saan patapos ng magluto si yaya glor. Inutusan kasi siya ng binata kanina na ipaghanda nito ng makakain si bella. Ang hinandang pagkain ni yaya glor ay isang sopas, nasabi kasi ni giovanni na bawal muna si bella sa mamantikang pagkain lalo na sa mga maaalat.
“Bakit mo nilagyan iyan ng ganyan?” nagtataka si yaya glor dahil nilagyan ni giovanni ng yakult ang sinangkap niyang juice kanina.
“Bella didn't like the taste of ginger, ibinuga lang niya sakin.”
Natawa ang ginang. “Tinikman ko nga ito kanina, hindi nga naman maganda ang lasa.”
“Maybe this is better now?” nilasahan ni yaya glor ang juice na hinaluan ng yakult. Tumango ang ginang bago i-angat ang hinlalaki.
“Mas naiba naman na ang lasa kumpara kanina.”
Tumango si giovanni. Kinuha na nito ang juice at muling lumabas ng kusina, sa paglabas nito ay agad niyang natanawan si bella na nasa gitna pa lamang ng hagdan. Mabagal ang kanyang paglalakad hangga sa mapabuntong hininga si giovanni.
Ngunit bago bumalik ang paningin nito sa dalaga. Nakarinig na ito ng kotse mula sa labas, huminto iyon sa espasyong nasa harapan. Mabilis na nasaksihan nito si carlo na bumaba ng kotse. Dahil doon, agaran na siyang lumapit kay bella upang buhatin ito patungong sala. Ini-upo niya ito sa single sofa upang kung sakali ay hindi makatatabi sa kanya si carlo.
“Drink this.” ngumiti ang dalaga na walang kaalam-alam sa pagdating ni carlo. Tinikman niyang muli ang juice at sa pagkakataong iyon ay nagustuhan na ni bella ang lasa. Doon din biglang sumulpot si carlo kung saan may dala siyang extra large size ng pizza, may mga milktea pa ito sa kabilang kamay ng makita siya ni bella.
“Kaloy!” akmang tatayo ang dalaga upang sana'y salubungin si carlo. Ngunit hinarang na ni giovanni ang kanyang kamay dahilan upang hindi ito makatayo.
Mariin na umiling siya habang kunot ang kanyang noo. Kulang na lang ay magkabuhol ang kilay nito dahil Doon. “Stay in your place, huwag kang masyadong gumalaw.”
“Huh?” nagtaka si bella sa unang sinabi nito ngunit naitindihan naman din niya ang huli. Ngunit hindi na nagpaliwanag si giovanni dahil tuluyan na niyang hinarap si carlo.
“What are you doing here, hevarez? Did you forget the date today?”
Carlo shooked his head before his eyes landed on bella. “I just want to visit my student, there's something wrong with that?”
“Bella is not feeling well now, throw away all your foods.” Hindi nagbigay imik si carlo. Hindi naman kasi siya kumbinsidong may sakit si bella dahil nakatakas ito sa pagkakakulong kay giovanni.
Hindi iyon napansin ng binata kung kaya't ng ibalik into ang paningin sa pwesto ni bella ay mas lalong nagkaroon ng gitla ang kanyang noo.
“What the he/ll?” umikot si giovanni upang hanapin si bella. At doon niya ito nakita sa likuran niya kung saan patakbo na ito papasok ng kusina.
Dala-dala nito ang malaking pizza at kanyang tinatakasan ang binata na ngayo'y mabilis na kumibot ang labi.
“Bella!” natigilan si bella sa pagtakbo kung saan nilingon pa nito si Giovanni. Nailing naman na si carlo dahil hangga ngayon ay makulit pa rin ang dalaga sa kanyang paningin. Ngunit napaigtad rin siya ng biglang sumigaw si giovanni.
“Look what have you fvcking done! She's not allowed to eat that godda/mn food!”
“Why? Is that just a simply pizza for pete sake.”
“Yes! It is a simply fvcking food for you but isn't good for her condition now!”
Nangunot ang noo ni carlo dahil naguguluhan siya sa sinabi ni giovanni. Lumisan rin ang binata sa kanyang harapan at mabilis na tumungo ng kusina.
“Give me back that food, Belinda!” naabutan na ng binata si bella na may hawak ng isang slice ng pizza kung saan nakagatan na niya iyon. Napamura ang binata at mabilis na tinakpan ang box ng pizza habang napapakurap si bella. Inigaw rin ni giovanni ang hawak niya at mabilis na hinagis iyon sa basurahan.
“Gio, bad!” iyon ang siyang lumabas sa bibig ng dalaga dahil sa ginawang pagtapon ni giovanni sa hawak niyang pizza.
“Bawal kang kumain ng pizza! Makakasama 'yon sayo!”
Umiling ang dalaga. “Bella gusto kain pizza! Gio damot!”
Umismid ang dalaga na siyang dahilan upang mamilog ang mata ni giovanni.
“Where did you learn that fvcking rolling eyes! Hindi tama 'yan!”
“Tama ba tapon pagkain, gio? Di ba masama din 'yon?”
“Yes, but sh*t!” napamura si giovanni dahil eto na naman siya at magpapaliwanag sa inosenteng si bella. Ngunit bago pa man din siya makapagsalitang muli, sumingit na si carlo kung saan dinaluhan niya agad ang dalaga.
“What's really happening? Can you explain to me? Hindi tamang sinisigawan mo ang studyante ko..” umangat ang isang kilay ni giovanni dahil sa sinabing iyon ni carlo.
Kalaunan ay natawa siya bago magpamewang sa harapan nito. “Your just her tutro, hevarez. I am her older brother, at kung ano ang bawal. Bawal!”
“Hindi ba masyadong sobra naman kung pagbawalan mo itong kumain ng gusto niya?”
“Of course i won't stop her to eat what she want's, but today. That food is a big no for me..”
Nangunot ang noo ni carlo. “Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?” binabaan nito ng tingin si bella na mabilis itinuro ang sarili.
“Bella, meron dugo..” iyon ang siyang sinabi ng dalaga na mas nagpagulo kay carlo. “May lumalabas du--”
“She have a menstruation..” pinutol na ni giovanni ang balak pang sabihin ni bella. Doon ay nagkaroon ng kaliwanagan sa naguguluhang binata kung bakit bindi pwedeng kumain ng ganon si bella. “Next time, if you want to buy her food. Just ask me first, hindi kung ano-anong pagkain ang ibinibigay mo sa kanya.”
Hindi sumagot si carlo sa sinabing iyon ni giovanni. Nais lang naman niyang bigyan ng pasalubong ang dalaga dahil natutuwa ito sa tuwing nakikita niyang masaya si bella.
“Galit gio kaloy?” napabuntong hininga si giovanni bago bumaling sa dalaga.
“No, hindi ako galit.”
“Bakit gio sigaw kaloy?”
“Hindi ako sumisigaw.” napanguso ang dalaga.
“Ano tawag sa gawa gio?” napahilot sa sintido ang binata dahil sa ilang beses na nitong pagtatanong. Ngunit gaya kanina, sumabat muli si kaloy upang siya na ang magpaliwanag.
“Hindi galit sakin si gio, nagpapaliwanag lang siya.”
Hinaplos nito ang likuran ng dalaga upang iparating na ayos lang, dahil doon sa ginawa ni carlo. Unti-unting umangat ang kilay ni giovanni dahil iniisip nito kung bakit kailangan haplusin pa niya si bella.
“Hindi pwede kain bella pizza?”
Umiling si carlo. “Sa ngayon, hindi muna. Sa susunod na lang pag wala ng dugo, okay?”
Pinisil nito ang balikat ni bella bago ito tumango. Kinagat ni giovanni ang pang-ibabang labi habang nagtitimpi siyang hilain palayo si bella sa lalakeng katabi nito.
Wala naman na iyon malisya para kay bella at carlo. Ngunit naaasiwa ang kanyang paningin at hindi nito nagugustuhan ang ginagawa ni carlo.
Bago pa man tuluyang uminit ang ulo niya. Nagsalita na si yaya glor na kanina lamang ay tahimik na nakikinig sa kanila. Nasanay na ang ginang sa madalas na pagtatalo nila giovanni at carlo. Madalas kasing mainit ang ulo ni giovanni sa tutor ng dalaga, kulang na lang ay Siya na mismo ang magtangal kay carlo bilang tagapag-turo ni bella. Ngunit ang masusunod pa rin ay ang lolo nito, isa pa. Nagugustuhan ni bella ang binata bilang guro niya.
“Kumain na muna kayo, masyadong maiinit na naman ang ulo ninyo.” kumibot ang labi ni giovanni dahil sa sinabing iyon ni yaya glor. Kalaunan ay sinamaan niya ng tingin si carlo bago bumaling kay bella.
“Kumain ka na, mamaya na ako.”
Walang naging imik ang dalaga sa sinabing iyon ni giovanni. Lumisan rin naman ito upang umakyat sa kanyang kwarto. Kung mananatili lang ito sa kusina ay tiyak na iinit lamang ang ulo niya kay carlo.
Ilang minuto bago muling bumaba si giovanni. Nakaligo na ito at medyo kumalma na ngunit nasa bungad pa lang siya ng hagdan ay narinig na nito ang malakas na pagtawa ng dalaga.
Kuryos siya kung anong nangyayari, agaran siyang bumaba ng hagdan at agad sinundan ang tinig ng dalaga kung saan ay naabutan niya ang mga ito sa living room.
Magkatabi sila carlo at bella habang nanonood sa cellphone ni carlo. Hindi Malaman ni giovanni kung bakit biglang binalot ng inis ang sistema niya habang nakikitang masaya silang magkatabi.
Pasimple itong lumakad sa likuran nila upang makita kung ano bang nakatutuwa sa pinanonood nila. Nang makita ang pinanonood ng dalawa, halos umikot lang ang mata niya dahil wala namang kwenta 'yon. Anong nakakatawa sa videong iyon?
Naupo ito sa gilid kung saan solo niya ang mahabang sofa. Samantalang ang dalawang nagtatawanan ay hindi man lang napansin ang presensya niya. Nag-uumpisa na siyang magtiim bagang at malapit na siyang sumabog sa galit, ngunit humupa rin ang kairitasyunan nito ng tawagin siya ni bella.
“Gio!” tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo malapit kay carlo. Naupo ngayon si bella malapit sa tabi ni giovanni dahilan upang mapangisi siya ng palihim.
“Tingnan mo!” ipinakita ng dalaga kung anong video ang kanilang pinanonood. Dahil nga hindi naman interesado si giovanni hindi ito natutuwa dahil hindi siya mahilig sa mga animation. Pero itong si carlo kung ano-ano na lang ang itinuturo kay bella, samantalang noon ay halos disney movie lang naman ang pinanonood niya dahil doon siya nasanay.
“Hindi gusto gio nood?” umiling si giovanni.
“Hindi ba't sinabi ko ng huwag kang manonood ng mga ganyan?” ngumuso ang dalaga dahil sa sinabi niya.
“Bella gusto manood ganito, ayaw bella cinderella.”
“Ilang minuto ka ng nanonood, dapat nagpapahinga ka hindi ba?”
“Ayaw pahinga bella.”
Napakamot sa batok si giovanni bago tumingin kay carlo. Hindi na umangal pa ang tutor nito dahil tiyak na magtatalo lamang sila kung sasabat siya sa usapan.
“Baka sumakit ang ulo mo, Belinda. Umakyat ka na doon sa kwarto mo.”
Lumabi si bella bago tuluyang tumayo. Binalik nito ang cellphone ni carlo bago muling humarap kay giovanni
“Maliligo bella bago matulog.”
“Okay, mamaya ka na lang manood.” napangiti si bella sa sinabing iyon ng binata.
“Pwede manood bella mamaya?”
Tumango si giovanni. “Oo, pero dalawang oras lang. Bawal ang matagal.”
Pumalakpak ang dalaga bago tuluyang tumakbo upang umakyat na ng hagdan. Medyo maayos na ang pakiramdam nito dahil nakatulong ang ininom niyang ginger juice.
“Huwag kang tumakbo, bella!”
“Bella liligo!” napahilamos si giovanni dahil napakakulit ng dalaga. Hindi man lang siya pinagkinggan into dahil tumakbo pa talaga siya habang isinisigaw iyon.
Doon na tumayo si carlo bago humugot ng mahabang hininga. Tumingin siya kay giovanni na ngayo'y may masama ng tingin sa kanya.
“Bakit ba masyado mong hinihigpitan si belinda?”
Lalong sumama ang tingin ng binata. “Pakialam mo ba? Isa ka lang naman tutor at bukod tanging pagtuturo lang ang gagawin mo! Why do you need to visit her every weekend!”
Natawa si carlo. “Binibisita ko lang naman siya upang may makasalamuha naman itong ibang tao! Kesa palaging ikaw ang nakikita niya!”
Tumayo si giovanni dahil nabuhay muli ang galit nito. Ngunit bago siya tuluyang makalapit kay carlo, narinig na nito ang boses ni bella.
“Gio!” nilingon nito ang dalaga na ngayo'y pababa muli ng hagdan. Ang ikinagulat pa ni giovanni ay ang ayos ng dalaga, may suot pa rin naman siyang pajama ngunit wala na itong pang-itaas. Bukod tanging bra na lamang ang suot nito dahilan upang literal na mamilog ang mata niya
“Fvck, bella!”
Huminto si bella sa huling baitan ng hagdan dahil sa pagsigaw ni giovanni. Nagmamadaling lumapit ang binata sa kanya upang pagbawalan itong magpatuloy sa paglalakad.
“Bakit wala kang damit!”
Nakagat ni bella ang pang-ibabang labi bago ituro ang itaas ng kanyang silid.
“Walang labas tubig sa loob.”
“What?” kunot ang noo ni giovanni dahil sa sinabi niyang iyon. Doon na rin lumabas si yaya glor na nag galing pa sa likurang bahay dahil naglalaba ito.
“Nawalan tayo ng tubig ” aniyang sabi bago magawi ang paningin kay bella. “Josko, hija! bakit wala kang damit!”
“Ligo bella, pero walang tubig ”
“Naku! Bawal kang maligo, ano ka ba!”
“Huh?”
Napakamot sa buhok si yaya glor bago nito lapitan ang dalaga. “Hindi ka pwedeng maligo pag may dalaw ka, maghilamos ka lang. Tara!”
Iginaya muli ng ginang paakyat ang dalaga dahil sa ayos nito, walang nagawa si giovanni kundi ang mapahilamos sa kanyang mukha.
********
to be continued....