Chapter 9

3009 Words
Third Person Pov. (Want her back) Hindi magawang ngumiti ni giovanni sa mga taong nakatingin ngayon sa kanya. Hindi rin naman niya mapagsabihan agad itong babaeng nasa katawan niya na ayaw pa rin bumaba mula sa pagkakayakap nito sa binata. Nais sana niya itong puwersahin ibaba ngunit nag-aalinlangan siya sa mga taong nakakakita sa kanya. Nginitian na lamang nito ang dalaga bago kausapin ng mahinahon. "Bumaba ka na..." tumango ang dalaga bago nga bumaba sa pagkakasampa sa katawan ng binata. Ngunit hindi ito tuluyang dumistansya kundi nalalapit lang siya sa pwesto ng binata. "Gio..." tinusok-tusok ng dalaga ang braso ni giovanni habang tinatawag ang pangalan ng binata. Natutuwa siya dahil muli nitong nasilayan si giovanni sa loob ng dalawang linggo. "Gio?" napabuntong hininga si giovanni dahil sa muling pagsasalita nito. Nais sanang itanong ng dalaga kung isasama na ba siya nila pauwi sa mansyon. Ngunit bago makasagot si giovanni, sumulpot na si carlo na tutor ng dalaga. Kadarating lamang ng binata at saktong pagpasok nito ay nakita niya agad ang mga panauhin. Kinawayan siya ng dalaga habang nasa tabi ni giovanni, ngunit hinawakan na ni giovanni ang kamay nito upang dalhin sa likuran niya na para bang hindi nito nais ipakita ang dalaga sa tutor nito. Nagtataka ang dalaga ngunit wala naman na din siyang maitanong, pinindot ng dalaga ang makinis nitong pisngi dahil nga gustong gusto niyang nakikita si giovanni. "Will you stop doing that?" pabulong lamang na sinabi iyon ni giovanni dahilan upang mangunot ang noo ng dalaga. "Gio?" tumungo sa harapan nito ang dalaga na nagtatanong, sa sobrang lapit niya hindi nito maiwasang mapamura. "Sh*t. Just give some space." "Sh*t?" namilog ang mata ni giovanni ng sabihin iyon ng dalaga. Sakto din ang paglapit ni carlo na narinig ang sinabi ng babae. "What the fvck! Don't say that?" "W-what t-he fvck?" napalingon na ang mga madre sa kanila maging ang ilang tagapamahala ng house of child. Dahil sa nangyaring iyon, hinawakan ni carlo ang kamay ng dalaga upang ilayo kay giovanni. "Stop curssing, mr martinez. Hindi ko itinuturo iyan sa studyante ko..." "Gio!" pumagitna ang dalaga dahil sa sinabing iyon ni carlo. Para bang ipinagtatanggol pa nito si giovanni dahil umiiling ito sa pagitan nila. "Yes, gusto ko lang siyang suwayin.." pinakalma ni carlo ang dalaga dahilan upang bumalik ito sa dati, nginitian niya ito dahilan upang ngumiti din ang dalaga. Hindi nagustuhan ni giovanni ang nakikita kung kaya't hinila nito ang kamay ng dalaga upang muling mapalapit sa kanya. "We're going to talk, mr hevarez.." Umayos ng tayo ang tutor bago titigan na mariin si giovanni, umiling siya senyales na ipinaparating nitong hindi sila maaaring mag-usap. "Tuturuan ko na ang studyante ko, oras na ng klase niya..." "I already talk the head officer, libre ang araw niya ngayon at hindi muna siya mag-aaral..." Bumaling ang dalaga kay giovanni dahil sa sinabi niyang iyon. "Gio?" itinuro niya ang kanyang sarili na para bang tinatanong nito sa binata na hindi talaga siya mag-aaral ngayon. Ngunit hindi naman na iyon naintindihan ni giovanni kung kaya't kay carlo ito tumingin. "Ka..." hindi pa maayos na naibibigkas ng dalaga ang pangalan ng tutor niya. Nahihirapan pa rin ito ngunit tiyak na kaonting araw na lang upang maging dire-diretso na ang pananalita niya. "Yes, you can call me kaloy. Gusto mo bang magpahinga muna ngayon sa pag-aaral?" mabilis na tumango ang dalaga. "Ka!" "Okay fine, pero bukas. Hindi na ito pwede hm? Gusto kong matuto ka, hindi naman na mahigpit si teacher kaloy di 'ba?" Muling tumango ang dalaga. "Ka-l-loy..." Napangiti ang tutor nito, paminsan minsan naman kasi ay naibibigkas nito ang pangalang iyon. Hindi lang talaga nasanay sa pagsasalita ang dalaga kung kaya't nahihirapan pa rin ito. Dahil sa pagpayag ng tutor nito, hinawakan na ni giovanni ang kamay ng dalaga at tuluyan ng iniwan si carlo sa kinatatayuna nito. Kahit hindi rin naman na pumayag si carlo, si giovanni pa rin naman na ang masusunod at mas pipilitin nitong makasama ang dalaga kesa pag-aralin ito ngayon. Dala ang papaerbag na may lamang pagkain. Tumungo sila sa isang maalwalas na garden kung saan may maliit na silungan doon na pwedeng tambayan ng ilang bisita. Naupo si giovanni sa sementong upuan matapos niyang ilapag ang paperbag. Hindi gaanong mainit sa pwesto nila at sinasabayan pa ng hangin ang kapreskuhan sa kinauupan ni giovanni. "Sit down, let's eat..." nakatayo lamang ang babae sa harapan ni giovanni, sa totoo lang ay hindi nito naiintindihan ang sinabi niya dahil ibang wika iyon. Mas hinahasa kasi ni carlo ang dalaga sa wikang tagalog. "Gio?" itinuro ng dalaga ang paperbag upang itanong kung para sa kanya ba iyon. Tumango si giovanni bago tuluyang ilabas ang mga pagkaing naroon. Tatlong lunchbox ang ipinadala ni yaya corazon at ang isang lunchbox ay puno ng kanin. Ang dalawa naman ay magkaibang putahe na siyang inutos ni giovanni kanina. Malaki ang naging ngiti ng dalaga matapos niyang makita ito. Umupo siya sa tabi ni giovanni imbes doon sa harapan niya. Walang nagawa si giovanni kundi dahan-dahang dumistansya upang hindi gaanong magkadikit ang kanilang balat. Binuksan nito ang isang lunchbox na naglalaman na simpleng almusal. Kahit naman na anong pagkain ay magugustuhan ng dalaga. Sakto ang pagkaing ito dahil hindi pa siya nag-aalmusal, hindi pa kasi nakahanda ang kanilang agahan kung kaya't gutom na ang dalaga. "Ipinaluto ko iyan kay yaya corazon.." tumango lang ang dalaga bago isubo ng buo ang isang hotdog. Napamaang si giovanni habang nakatingin sa dalaga na halos lumubo ang bibig dahil sa ginawa niyang iyon, binuksan pa niya ang isang lunchbox na naglalaman ng adobong baboy. Lumunok siya isang beses dahilan upang mapakurap si giovanni. "Dahan-dahan lang, sayo lahat 'yan. Hindi na ako kakain.." tumango lang muli ang dalaga. Imbes na gumamit ng kubyertos, kinamay nito ang baboy at diretsong isinubo iyon. Kasunod nito ang kain na agad rin niyang isinubo. Sa lagay ni giovanni, para siyang nanonood ng mukbang sa isang internet. Ngunit kakaiba itong babaeng 'to, naiiling na lang ang binata dahil hangga ngayon pala ay hindi pa nila natuturuan ng maayos ang dalaga kung paano kumain ng tama. "Pagsasalita lang ba ang itinuturo sayo ng lalakeng 'yon?" nilingon siya ng dalaga habang kumakain. Hindi ito sumagot, tiningnan lang nito ang binata dahil bukod sa pagbigkas at pagbabasa. Wala na silang ibang itinuturo sa dalaga. "Ayoko sa tutor na kinuha ni lolo, halata naman na may ibang pakay iyon kaya tinutulungan ka niya ng libre!" "Gio?" kunot ang noo ng dalaga dahil hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng binata. Nais niyang itanong kung ano ang mga pinagsasabi niya ngunit hindi niya iyon mabigkas ng maayos. "Gio..." umiling ang dalaga senyales na hindi niya ito maintindihan, ngunit iba ang pagkaka-intindi ni giovanni dahil ang pumasok sa isipan nito ay ipinagtatanggol niya ang carlo na 'yon. "Alam ko naman na hindi ka magsasabi, pero kung naroon ka sa bahay. Ikukuha kita ng iba..." "Gio?" itinuro ng dalaga ang sarili niya dahil sa sinabing iyon ni giovanni, matapos iyon. Itinuro rin nito si giovanni habang inuubos nito ang pagkain na nasa bibig niya. "What is that?" "Gio.." lumikha ng parisukat ang dalaga sa kanyang kamay. Ipinapahiwatig niya doon ang isang bahay dahil nasabi ni giovanni na kung nasa bahay siya ay ikukuha niya ito ng bagong tutor. Nais itanong ng dalaga kung isasama na ba siya pauwi ni giovanni ngunit iyon lang ang nagagawa niya. "Bahay?" tumango ang dalaga bago nito ituro si giovanni at ang sarili niya. Doon pa lang naintindihan ng binata kung anong nais itanong ng dalaga, umiling si giovanni dahilan upang mapabusangot ang magandang dalaga. "Hindi pa kita maaaring isama sa bahay muli, dito ka muna. Kailangan mong mag-aral..." "Hmp!" umismid ang dalaga dahil masama ang loob niya. Naalala nito ang pag-iwan sa kanya ni giovanni noong nakaraang dalawang linggo. Tapos heto muli at sasabihin niyang hindi na naman ito maisasama pauwi. "Maraming gawain sa bahay, nagtatrabaho din ako. Mahihirapan ka lang doon.." "Gio!" mariin na umiling ang dalaga bago nito itulak palayo sa kanya ang mga pagkain. Napabuntong hininga si giovanni habang nakatingin sa nakabusangot na dalaga. "Hindi pa pwede ang gusto mo, mahigit isang buwan ka pa lang dito at kailangan mong matuto. Kung nasa bahay ka, wala ka din naman ibang gagawin kung hindi pasakitin ang ulo ko.." Umirap muli ang dalaga dahilan upang mapahilamos ito. Hindi malaman ni giovanni kung bakit naiinis siya sa pagtatampo ng dalaga. Para bang nais niya itong aluhin ngunit hindi niya ginagawa sa kadahilanang pinipigilan nito ang kanyang sarili. "Why are you making me feel this way? Naguguluhan na ako sa sarili ko! Nasisiraan na yata ako sa ordinaryong tulad mo!" nangunot lang ang noo ng dalaga dahil sa sinabing iyon ni giovanni, muli ay napahilamos ang binata bago titigan ang dalaga. "Sh*t! I forgot. Your not ordinary! Your a weirdo!" "Gio!" tumayo ang dalaga maski hindi nito naiintindihan ang sinabi ni giovanni. Padabog siyang umalis sa pwesto nila dahilan upang tumayo ang binata ngunit hindi naman na niya ito ginawang habulin. "Hey weirdo!" Hindi siya nilingon ng dalaga bagkus ay dire-diretso itong naglakad hangga sa mawala ito sa paningin ng binata. Marahas na napabuntong si giovanni bago hilutin ang kanyang batok. Nais na rin naman niyang isama ang dalaga dahil nga hindi nito nagugustuhan ang tutor niyang madalas na nakakasama niya. Ngunit nahihiya ito sa house of child maging sa lolo niya, ano na lamang ang sasabihin nila sa kanya kung sakaling bawiin nito pabalik ang dalaga? Iyon ang iniiwasan niyang mangyari dahil higit sa lahat, ayaw nitong pinag-uusapan siya at binigyan ito ng issue. ISANG ORAS matapos mag-walk out ang dalaga. Hindi pa ito nakikita ni giovanni dahil abala na sila sa mga bagong volunteer na magtuturo sa mga batang narito. "Bibigyan ko ng sapat na allowance ang mga volunteer na tulad ninyo, makakatulong kayo sa mga batang narito na nais matutong magsulat at magbasa." naiinip na si giovanni habang nagsasalita ang lolo niya. Nasa stage ito habang nakapulong lahat ang mga taong namamahala sa house of child. Marami 'ding nakaupong bata at nakikinig sa sinasabi ng senyor. Ipinamigay na rin ng mga volunteer ang mga school supplies na dala nila, bakas ang saya sa mga mukha ng bata ngunit ang mukha ni giovanni ay halos hindi na maipinta ng makita nito ang dalaga na kasama ang tutor niyang si carlo. Umusog ang ulo niya upang sundan ng tingin ang dalawa na naglalakad, tumabingi ang ulo ng binata habang nakataas ang kanyang kilay. Iniisip nito kung ano ang pinag-uusapan nila at naroon lamang sila sa canteen at hindi nakikinig kung anong sinasabi ng lolo niya. Mabilis na nangunot ang noo ni giovanni habang pinapanood ang dalawa. Sinubuan kasi ni carlo ang dalaga dahilan upang mangiti ito, hindi nagugustuhan ni giovanni ang nakikita kung kaya't niluwagan nito ang necktie na suot niya. Kinagat nito ang pang-ibabang labi bago mag-iwas ng tingin at magfocus kung ano ang sinasabi ng lolo niya. Ngunit maski isa sa mga sinasabi ng matanda ay walan pumapasok sa isip nito, kusa lang din bumabalik ang paningin niya kung saan naroon ang dalaga. Mahigpit na kumuyom ang kamao nito ng makita niyang pinupunasan ni carlo ang gilid ng labi ng dalaga. Marahas na tumayo siya at agarang umalis sa kinauupuan nito, mabilis ang paglalakad niya kung saan ay agad nitong nilapitan ang dalawa. Nahinto si carlo sa ginagawa bago nito ibaba ang kanyang kamay. Napalingon din ang dalaga kay giovanni na ngayo'y hawak na ang icecream na isinusubo kanina ni carlo sa kanya. "Sir, martin---" "I want to talk to her..." hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni carlo. Naaalibadbaran na kasi ang kanyang sistema habang nakikitang magkasama silang dalawa. Para bang nais ng binata na maglagay ng mataas na pader sa pagitan ng dalawa upang hindi na sila magkita pa. "Again?" sinamaan niya ng tingin si carlo dahil sa tanong niyang iyon. "I know your lolo is her recruiter here, pero hindi naman pwedeng madalas na tangayin mo siya pag nag-uusap kami, mr martinez..." "Do i need to get your fvcking opinion? Why don't you just shut your dvmn mouth! Your just an volunteer here!" Nag-iwas ng tingin si carlo habang umiiling. Tiningnan niya ang dalaga bago ito bumuntong hininga. "Gusto ka daw niyang makausap.". "K-kal?" tinuro ng dalaga ang sarili niya bago tumango si carlo. "Doon lang ako sa kabila, mag-usap muna kayo..." lumisan ang binata kung saan sila nakaupo kanina. Doon na nabaling ang atensyon ng dalaga kay giovanni na nakatayo ngayon sa gilid ng kinauupuan niya. Hinawakan ni giovanni ang pulsuhan ng dalaga upang hilain sana paalis doon, ngunit hindi pa man sila tuluyang nakakalabas ng canteen ay binawi na agad ng dalaga ang kamay nitong hawak ni giovanni. Natigilan si giovanni bago nito lingunin ang dalagang nakabusangot na naman sa kanya. "Fvck weirdo! Why don't you just come with me!" Marahas na umiling ang dalaga. "Gio!" Napapikit si giovanni bago siya mapahilamos, tuluyan na nitong hinarap ang dalaga habang nakapamewang na tila ba nauubusan na ng pasensya. "Isasama na kita pauwi, okay?" biglang lumiwanag ang mukha ng dalaga dahil sa narinig, ang mata nito'y mabilis na kumislap habang tuluyan ng napapangiti sa sinabing iyon ni giovanni. "S-sa-ma?" napamaang si giovanni ng magsalita ng bahagya ang dalaga, hindi siya nakasagot. Tila ba naistatwa na lang ito sa ganda ng boses ng dalaga at alindog ng kanyang kagandahan. Ngumiti ang dalaga bago nito yakapin ang batok ni giovanni dahilan upang mas lalong magkalapit ang mukha nila. Literal na namilog ang mata ni giovanni dahil sa ginawa niyang iyon, ang malambot na balat ng dalaga ay nararamdaman iyon ng buong sistema niya. Maging ang dibdib nitong nakadikit sa kanya ay hindi pinatakas ng matinding pagnanasa nito sa dalaga. "Gio sama!" ngumiti ang dalaga matapos niyang sabihin iyon, at bago pa tuluyang makabawi ang dalaga. Hinalikan na siya nito bigla, tuluyan na nanigas si giovanni sa kinatatayuan. Hindi rin naman nagtagal ang halik niyang iyon dahil kusa na itong humiwalay bago pumalakpak habang ang dalaga habang tumatalon. "Gio sama, gio!" iyon ang sinasabi niya habang pumapalampak na tumatalon. Dahil nakita ng dalaga ang papalapit na si carlo na nanggaling ng banyo. Nilapitan niya ito upang yakapin din dahil sa tuwa, kung ano ang ginawang pagyakap ng dalaga kay giovanni, ganoon din ang ginawa niya kay carlo dahilan upang matauhan si giovanni. "Gio sama, gio!" iyon ang sinabi ng dalaga kay carlo bago nito ilapit ang mukha sa binata. Ngunit mabilis ang kilos ni giovanni na agad nakalapit sa kinatatayuan nila upang takpan ang bibig ni carlo. Sa huli, iyong kamay ni giovanni ang nahalikan ng dalaga. "Darn it! Why did you intently kissed him!" napakurap lang ang dalaga ng humiwalay ito kay carlo. Akala kasi ng dalaga ay natural lamang ang paghalik na iyon. Hindi ito sumagot dahilan upang si carlo ang tingnan ni giovanni. "Why didn't you stop her! Gustong gusto mo talaga huh!" "Hindi ko alam na gagawin niya 'yon, mr martinez. Your just over reacting." "What! Over reacting! I can file you a case against this, mr hevarez! Your fvcking let her to do that! Hindi ka man lang umiwas!" Hindi nakasagot ang binata dahil sa pagbabantang ginawa ni giovanni. Dahil doon, hinawakan na ni giovanni ang kamay ng dalaga upang hilain na palayo kay carlo. Alam naman niyang walang kasalanan ang binata, ngunit hindi nito maimahe na hahalikan niya ang lalakeng iyon sa mismong harapan niya. "Fvck!" napamura siya habang naglalakad, idinala nito ang babae sa isang silid aralan. Walang tao doon at bukod tanging sila lamang ang naroroon sa loob. Huminga siya ng malalim matapos nitong bitawan ang kamay ng dalaga. Hinagod nito ang kanyang mukha bago tuluyang titigan ang babae na nakatingin lang din sa kanya. "Bakit mo ginawa iyon?" umangat ang dalawang kilay ng dalaga sa tanong niyang iyon. "Iyong ginawa mo sakin, bakit mo din gagawin iyon kay carlo!" nangunot ang noo niya dahilan upang kumibot ang labi ni giovanni sa inis. "Tsk! Nonsense! Wala din naman pala akong mapapala kahit kausapin pa kita, dvmn!" umikot siya isang beses habang kagat ang labi, nagtataka tuloy ang dalaga kung anong nangyayari dito kung kaya't hinawakan nito ang braso niya. Napalukso pa sa gulat si giovanni dahil sa hawak niyang iyon. Para bang naramdaman nito na humaplos ang malambot niyang kamay sa buong sistema niya. "Sh*t! Nababal!w na ba ako? Bakit ba ako nagkakaganito? Nasisiraan na yata ako ng ulo, oh god!" "Gio?" "Yes!" napanguso ang dalaga matapos niyang magulat. "Stop doing that, okay? Huwag 'mong hahalikan kahit sinong lalake! Maliwanag ba? "H-hali-kan?" "Yes, your dvmn right! Halikan! Kiss, like what did you do to me earlier!" itinuro nito ang labi ni giovanni dahilan upang maintindihan siya ng dalaga. Tumango tango ito dahil naalala niya noon ang ginawang paghalik sa kanya ni giovanni. "Gio halikan, gio." tinuro nito ang sarili niya upang sabihin na ginawa ni giovanni iyon dati. Nangunot ang noo ni giovanni dahil pinaka-iintindihan niya kung ano ang nais sabihin ng dalaga ngunit hindi niya ito maintindihan. "Gio, ligo. Halikan gio..." Pumaling ang ulo ng binata dahil tuluyan na niyang naintindihan ang sinasabi nito. Pinakaisipan nito kung saang parte ang tinutukoy niya hangga sa maalala ng binata ang ginawa niyang paghalik noon sa dalaga. Nag-iwas siyang ng tingin bago mapalunok, naisip rin ni giovanni na siya pala ang may kasalanan dahil siya rin mismo ang nagturo ng ganoon sa dalaga. Napabuntong hininga siya. Muli nitong binalingan ng tingin ang dalaga bago hawakan ang dalawang balikat. "Hindi mo pwedeng gawin iyon kahit kanino, understand?" "Gio?" itinuro ng dalaga si giovanni upang itanong kung pati rin ba siya ay bawal halikan. Napamaang si giovanni dahil iniisip niya kung bakit kailangan pang itanong ng dalaga 'yon. "Your not allowed to kiss me too..." nangunot ang noo ng dalaga dahil hindi naman na niya iyon naiintindihan. Nangisi si giovanni dahil sa kuryusidad na bumakas sa mukha ng dalaga. ...."Because Im the one who allowed to kiss you, and i want you back in my place again..." ********* to be continued.... Giovanni? Bakit ba ang gulo mo HAHAHAHA. Excited ba sa pagbabalik ng dalaga sa mansyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD