CHAPTER 16 "DARLING?" napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang malambing na boses ng aking nobyo. Napa-ngiti ako ng dahil do'n. "Hi. Hindi na kita ginising dahil alam kong tulog ka pa sa mga oras na ito, pero nagkamali ata ako." Lumapit siya akin, at hinapit ang bewang ko. "Iyon rin ng ang inaakala ko, e, akala ko makakatulog ako pero hindi rin ikaw kasi ang iniisip ko." "Sus! Ano ka ba? Ayos lang ako," Tumingin siya sa akin ng diretso. "Darling?" "Mmm..." "Can I kiss you?" Nagmasid muna ako sa paligid. "Don't worry walang tao, mom and dad nasa kwarto pa nila, at may mga kausap sa kabilang linya." "Ikaw, Alfonso, ki aga-aga lumalandi ka maya-maya maabutan tayo ng ina mo dito, at mapalayas ako ng wala sa oras sa bahay niyo... sige ka—ikaw rin." "Mabilisan lang." Si

