CHAPTER 20 “OKAY KA LANG BA, ISABELA?" "Okay lang ako, Lesly medyo masakit lang talaga 'yong sampal sa akin ni Madame Olivia." "Anong klaseng mother-in-law to be mo 'yan?! Nananampal ng daughter-in-law to be n'ya! Tsk! Tsk! Tsk! Paano kapag nalaman 'yan ni Papa Attorney? Lagot si Mudra niyan. Nakakapanggigil!" Napa-buntong hininga nalang ako habang naka-harap sa malawak na salamin dito sa loob ng ladies room, habang si Lesly naman ay nanggigigil sa galit. Namumula ang kaliwa kong pisngi dahil dalawang beses akong nasampal ni Madame Olivia. Hindi ko rin napigilan ang umiyak kaya nandito ako ngayon sa loob ng confort room. "Bakit, 'di ka nalang umalis dito? At maghanap ng panibagong trabaho? Mas malaki ang sahod at walang aaway sa'yo... iyon nga lang iiwan mo na ako." Saad ulit ni Les

