Celestine's Point of View "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko kay Soul nang pagbihisin niya akong muli. Nagsuot lang kasi ako ng pambahay dahil tinatamad akong mag-ayos ngayong araw. At isa pa, ayoko ring isipin niya na nag-aayos ako para sa kanya, 'no. "Mamasyal tayo. Magdamit ka nang maayos at baka mapagkamalan kang alalay namin mamaya," sagot niya sabay ngisi. "Sige ka, ikaw rin." "Sa ganda kong 'to?" Hindi ko napigilang mapairap, pero pumunta pa rin ako sa kwarto para magbihis at nang matapos na ang diskusyon. I know Soul, hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ako nagbibihis. He has this attitude to insist until you convince him to change his mind or you do exactly what he says. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at pumunta sa sala kung saan sila naghihintay. Simplen

