Calixta’s Point Of View “Tita,”tawag ni Zadie sa babaeng naka-suot ng sombrero at jacket. Lumingon naman itong babae atsaka napa-ngiti ng makita kami. “Zad!” Sigaw nito sabay bitaw ng hawak-hawak nitong hose, “Ang bilis mo lang yata bumalik,”sambit nito sabay lapit sa amin, napa-lingon naman ito sa likod nito ni Zadie at ngumiti ng mas malawak ng makita ako. “Hi there,”masayang bati nito sabay lapit sa akin at nakipag-beso. “Are you Zad’s friend?” Tanong nito at kumapit sa braso ko. “Yes po,”nahihiyang tugon ko at ngumiti, mas lalong napa-ngiti naman ito at bahagyang tinulak si Zaddie atsaka ako hinila. “Tara pasok ka,”aya nito. Inaya ba talaga ako nito papasok o pwersahan ang ginagawa nit

