Gulat ko naman itong tinignan at bahagyang napa-atras sa kinatatayuan ko. “Bakit?” nauutal na tanong ko rito. Itinaas naman nito ang tubo na dala-dala nito kung kaya ay napapikit nalang ako at lumipas ang ilang minute ngunit wala pa rin tumatama sa akin kung kaya hinay-hinay ko na iminulat ang mga mata ko at nakitang wala na si Outcast sa harap ko. Agad ko naman inilibot ang paningin ko at nakitang nakatayo lang ito sa harap ng bintana. “Binalaan na kita, hindi ba?” sabi nito habang nakatingin sa labas. Hinay-hinay naman akong lumapit dito. “Bakit? Anong mangyayari kung hindi ko sinunod ang mga babala niyo sa akin?”tanong ko rito. Walang emosyon na nakatingin lang ito sa labas at ino-obserbahan ang mga taong dumadaan sa harap ng building na

