“Calix, may kailangan ka pa ba?” Tanong ni Lea atsaka hinalungkat ang drawer ko at kumuha ng towels atsaka extra-shirt. Napa-iling nalang ako sa inasal niya na tila ba mas nataranta pa ito kaysa sa akin. “Kumalma ka nga,” sabi ko atsaka nata-tawa na kinuha ang backpack na pagla-lagyan ko ng mga gamit ko. Pagkatapos ay lumapit ako sa isa sa mga cabinet na naririto sa kwarto atsaka kinuha ang wallet na nasa ibabaw nito. “Baka may makalimutan ka,”sambit nito atsaka kunot-noong tumitig sa akin habang nakalagay ang kaniyang mga kamay sa gilid ng kaniyang tiyan. “Ni-lista ko na lahat ng kina-kailangan ko,” tugon ko atsaka bumalik sa pinag-lagyan ko ng bag at inisilid na roon ang kinuha ko na wallet, “Isa pa kanina mo pa paulit-ulit na tsine-check iyang notes ko,”dugtong ko atsaka napa-iling.

