“Sino ka?”Utal na tanong nito habang gulat na gulat na nakatingin ito sa akin. Ngumiti lang ako at magsa-salita sana, “Bakit ka nandito?”Dugtong nito biglang napalitan ng takot ang ekspresyon nito. Tumaas naman ang kilay ko at nagtataka itong tinignan. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Miss Pres at hinila si Amani sa labas. Nagtataka lang akong naka-tingin sa pintuan kung saan ito dumaan. Tanging si Amani lang ang naglakas-loob mag-ingay sa loob ng classroom na ito kung kaya’t ngayon na wala ito rito ay tahimik na ulit. Hindi naman ganoon katagal at ini-luwa ng pinto ang naka-ngiting mukha ni Amani at sumunod naman ang seryosong Miss Pres rito. “Zaria, samahan mo ‘ko sa Canteen. Nagu-gutom ako,”sigaw nito mula sa harap. Tinignan ko naman kung sino a

