Chapter 2

1011 Words
    Habang silang tatlo ay naglalakad papuntang country mall ay nakita nila ang iba pa nilang mga kaklase na nag-aabang na ng dyip. Inaya nila ito kung gusto ba nilang sumama sa kanila sapagkat sila ay magdidiwang dahil natapos na rin ang mga gawain na nagbibigay stress sa kanila. Sumang-ayon naman ang iba habang may isa naman sa kanila na napagdesisyonan na umuwi na dahil hindi pa ito nakapag-paalam. “Sino-sino kasama natin?”tanong ni Beth kay Dhanna habang hawak-hawak ang kamay ng nobyo nito na si Torres. “Sina Mark, Jane, Yos atsaka Cris and I am not sure kung may iba pa silang dinala bukod doon”sagot naman Dhanna kay Beth, tumango lang si Beth atsaka nagpatuloy na silang naglakad. Chinat naman ni Calixta ang kaniyang mga kaibigan sa kanilang GC kung nasaan sila banda. “Nandoon daw sila sa may gilid ng mall”pag-papa alam ni Calixta sa kanila. “Doon ba sa may sakayan ng traysikel?”tanong naman ni Louise. Tumango naman siya at nagchat ito na papunta na sila, bago niya isinilid ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. Hindi nagtagal ay nagkarating na rin sila sa kung saan naroroon ang iba pa nilang kasama. “Grabe ang tagal niyo”reklamo naman ni Mark atsaka pinapa-ikot ang kaniyang panyo. “Hiyang-hiya naman kami sa’yo. Ikaw nga ‘tong late e’, magkasunod lang kaya kayong dumating”natatawang pang-aasar naman ni Cris kay Mark. Binatukan naman siya nito na naging sanhi ng tawanan nilang lahat. “Tara na, nang maka-kain muna bago tayo pumasok sa park”aya naman ni Yos sa kanila. “Uhaw ka lang e”natatawa naman na asar ni Patrick sa kaniya. Agad naman silang naglakad patungo sa sakayan at naghintay ng dyip na may “IT Park” na nakalagay sa harapan nito. Ilang minuto ang nakalipas ay may dumating na rin na dyip na kung kaya ay agad silang sumakay dito. Masaya silang lahat na nagbya-byahe sapagkat walang ibang pasahero bukod sa kanilang magkakaibigan at magkaklase, kaya todo ang asaran ng mga lalaki sa dyip habang tawang-tawa naman ang mga babae. Hindi nagtagal ay nakarating na din sila sa kanilang destinasyon, nagbayad na sila bago ito bumaba sa dyip. “Hoy mark! Hindi ka na naman nagbayad no’?”Nang-aasar na tanong ni Cris habang nakangisi ng sobrang lawak. “Urur, ‘wag ako Cris. Baka kamo ikaw ‘yong hindi nagbayad”asar pabalik naman ni Mark sa kaniya habang ang iba naman nitong mga kasama ay natatawa sa dalawa. “Gusto mo bilhin pa kita e’. Ano?”nakangisi naman na tanong ni Cris atsaka kinuha ang pitaka nito sa bulsa. “Sagot daw ni Cris lahat ng inumin ngayon. Chill tayo guys!”anunsiyo naman ni Mark na naging dahilan ng pagbatok ni Cris sa kaniya. Naghiyawan naman ang mga kasama nito atsaka naglakad na patungo sa park kung saan nila gaganapin ang kanilang pagdiriwang. Habang sila ay naglalakad ay napapatingin ang mga tao sa kanila dahil sa sobrang ingay ng mga ito na aakalain mo na galing probinsya kahit ang yayaman naman ng mga postura. Ilang saglit pa ay nakarating na rin sila sa harap ng park na kung saan tinitignan muna ang kanilang mga ID kung nasa tamang edad na ba sila para makapasok sa ganitong lugar, at nong makapasok na ang mga ito ay agad naman na nag-order ng ilang inumin at pagkain. Nang dumating na ang mga pagkain at inumin na kanilang hinihintay ay kanya-kaniya na silang nagsandok ng kanilang makakain. Pagkatapos nito, ay sinimulan na ni Patrick ang pag tagay ng kanilang inumin. “Cheers to us! We made it guys!”nakatayong sabi ni Patrick habang itinataas ang kaniyang baso na may laman na alak. Naghiyawan naman silang lahat at tamang tama na nagsimula ng tumugtog ang musika sa lugar na ‘yon na kung saan sabay sabay silang tumayo at nagsimula ng magsayawan. Natawa naman ang lahat ng biglang nanghila ng upuan si Cris at pumatong rito sabay sayaw. Natawa naman ang magkakakaklase at pinalibutan si Cris habang binibigyan naman ito ng inumin ni Patrick. Masaya silang nagdiriwang sa kanilang matagumpay na semester,na walang ni isa sa kanila ang bumagsak sa kanilang mga major subjects.     Ilang bote ng alak din ang naubos nila kung kaya ay karamihan sa kanila ay lasing na at 'yong iba naman ay nahihilo na, kabilang na roon sina Calixta at ang dalawa pa niyang mga kaibigan. Inayaya naman ito ng isa nilang kaklase na lalaki na sumayaw sa gitna ng dance floor, na kusa naman na sumama ito at nagsimulang gumiling. Lumapit naman ang iba pa nitong mga kaklase at pumwestong pa bilog at mula doon ay kanya kaniyang hataw sa pagsasayaw sa gitna ng kanilang grupo          "Sulitin na natin ang mga panahon na magkakasama, bawal kj dito kung kaya ay hataw na!"sigaw naman ni Patrick at nagsimulang sumayaw ng otso-otso. Natawa naman ang iba sa kaniya at ginaya rin ito pagkatapos.     Ilang sandali pa ay lumapit si Calix kay Louise at inilapit naman nito ang mukha niya sa tenga ng kaniyang kaibigan. "Louise, samahan mo naman ako sa rest room"sabi nito sa kaniyang kaibigan na panay taas ng kamay. Napatigil naman si Louise at tumango, agad naman nitong nilapitan si dhanna at sumigaw sa tenga nito "Pupunta lang kami ni Calix sa rest room"pagpapa-alam nito. "Sama ako"saad naman ni Dhanna atsaka tumigil sa pagsayaw at lumapit kay Calix "Tara na"aya naman ni Louise rito atsaka nagsimula na silang maglakad papuntang rest room.     Agad naman na pumasok si Calix sa isang bakanteng cubicle at umihi, hindi naman ganoon katagal at natapos na rin ito. Nakita naman niya ang mga kaibigan na kaharap ang salamin habang inaayos ang buhok ng mga ito. "Tara na at bumalik, baka hinahanap na tayo ng mga iyon"aya naman ni Calix. Tumango naman ang dalawa atsaka bumalik sa kung saan naroroon ang kanilang mga kaibigan. Alas dose na ng gabi ng biglang tumunog ang cellphone ni Calixta na may nakatatak na lola. “Dis-oras na ng gabi pero bakit gising pa si lola?”tanong ni Calixta sa kaniyang sarili bago nagpaalam sa kanila na sasagutin lang ang tawag saglit ngunit masyadong malakas ang volume ng musika kung kaya ay hindi siya nito narinig. Lumayo na muna si Calixta sa kanilang pwesto at hilong napatayo sa kaniyang upuan. Nang hindi na gano’n ka lakas ‘yong tunog ay sinagot na nito ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD