ZICK'S POV
"Kyaaaaaaaaaah!! I'm so excited na!"
"Me too! Saan na ba yung iba!?"
"Ano kayang hitsura dun?"
I rolled my eyes obviously? Duh? di ba sila makapag antay? nakaka imbyerna ang ang mga chakang boses nila.
"Zick! Nandito ka na pala ang aga mo ah" napatingin naman ako sa tumawag sakin and oh it's Karlie.
"Hi Zicky! Pa tabi ah!" Then Yana winked at me. Napa ikot naman ako ng mata.
"Hoy megan! Bilisan mo dyan! Mamaya ka na mag w*****d gaga ka talaga" Daisy hissed. Meg just throw her a glare.
"Kuya pakilakasan po ng aircon please?" Sigaw naman nung Amanda, ang arte ng babaitang to.
May napapansin ako... parang kulang yata sila? Nasaan yun—
"Hinahanap mo si Lexie girl?" Yana grinned. Kumunot naman kunwari ang noo ko, eh anong pakialam mo tahiradang frog ka? Aish masyadong hot ang head ko ngayon, 'stress lumayo ka sa akin'
"What? Hindi kaya! At bakit ko naman hahanapin yung babaitang frog na yun?" Deretso lang ang tingin ko sa harap.
"Bakit nga ba? Oh! Ayun sya oh!" Agad akong na lingon sa tinuro nya pero——
Damn! naisahan ako sa gaga.
"HAHAHAHAHAHA hindi pala ah! HULI KA!" I glare at her tsaka ko sya pinag-papalo.
"Aray!— oh Lexie andyan kana pala" mas lalo ko namang sinamaan sya ng tingin. Loko-loko tong babaing to! My ghad nakakahagard ng beauty k—
"Lex, dun nalang tayo sa kabilang upuan." Authomatic napalingon naman ako sa nagsalita kanina and then again I saw her with that boy. AGAIN bigla naman akong nawala sa mood. Oo gwafu naman ang fafa niyang kasama pero duh? Bakit ba sila magkasama!? Nanaman? 'pakialam mo ba Adriana?' Oo nga naman.. Tss bahala nga sila sa buhay nila! What's with him? Duh?? Eh mas mas gwap— no maganda pa ako dyan eh! umupo naman sila sa harap namin dahilan sa pagkawala ng mood ko putragis!
LEXIE's POV
Sabay-sabay kaming pumasok ng mga kaibigan ko sa school, ngayon na kasi ang retreat namin papuntang Heavenly beach resort.
"LEXIE!" I rolled my eyeballs before facing him.
I fake my smile before lumingon sa kanya
"yes Lester?" Nag kamot naman sya sa batok nya, alam nya na kase na peke yung ngiti ko well he know me enough kababata ko yan simula ipinanganak ako ni mommy. Wondering why kung hanggang ngayon andito pa din yan? Oh well nag transfer lang naman sya galing sya sa canada ewan kung bakit at wala akong paki-alam kung bakit! Sinisira naman niya ang porma ko para kay Zicky girl eh!
"Sabay na tayo" tumingin naman ako sa mga kasama ko at tumango naman sila at—?
Iniwan lang naman ako naysss! Kaya ayun sabay na kaming mag lakad patungo sa bus.
"Class 1-A dito ang bus nyo" rinig kong sabi nung isang guro TA yata yun. (Teacher's Assistant) pumasok na kami ni lester dun and guess what kung ano ang bumungad sa akin??
I rolled my eyes in a bitchy way, I saw Yana and Zick na nag haharutan at nag nagtatawanan psh so what? Wala lang pinipiling lugar itong baklang to ki aga-aga humaharot nakakainis! Sana pala si Yana nalang ang gumawa sa dare, eh mas close pa yata yang dalawang yan eh!
Habang papalapit ng papalapit kami ay mas naririnig ko ang mga harutan nilang dalawa, at nabaling ang tingin sa akin ni Yana.
"Aray!— oh Lexie andyan kana pala"
"Lexie dun nalang tayo sa kabilang upuan" nagpapasalamat ako't nandito tong lalaking to, may pakinabang din pala. Tumango at padabog na umupo sa gilid ng bintana.
Nasa likod namin sila at—! Rinig na rinig ko ang nakakainis nilang boses. Mga letche! Sana pala diko nalang sya pinakilala sa mga kaibigan ko edi sana ako laging kasama nya. 'what did you just say Lexiedria? Are you for real?' Napangiwi ako sa na-isip. Joke lang yun! Maniwala kayo hmp.
"Yeah, I'm alright" rinig ko sa likod.
Para hindi marinig ang dalawang asungot sa na naglalandian at nag haharutan at naglagay ko ng earphones sa tenga at, sakto namang pag andar sa panirang bus kaya ayun napayakap ako kay Lester at ganun din sya sakin.
Whew! Buti nalang.
"Okay ka lang Lex?" Lester asked without removing his arms at me isa pa ang lapit ng mukha nya sakin ah infairness medyo gum-wapo din itong lalaking to ah, at tumangos lalo ang pointed na ilong niya noon, his skin are clear white, sa pagkaka-alam ko mainit dito sa pinas? Nailing ako nang may naalala 'ulyanin ka Lex eh galing canada nga yan diba?'
Nagising ako sa pag papantasya ng tumikhim ito at ngumiti sa akin. I blushed. s**t nakakahiya!
"Uhmm o-okay——"
"ouch" bigla ba naman kasing lumindol ang inu-upuan ko kaya kunot noong napatingin ako sa likuran ko, if I am right galing yun sa likod ko. Nag haharutan lang yung dalawa at nang napalingon sa akin si Zick at tumaas yung kilay nya.
Walangyang bakla to!! Ang sarap sakalin!
"Hey okay ka lang Lex?" Nilingon ko ang nagtatanong na si Lester sabay tango.
"Yeah, akala ko kasi may lindol yun pala isang baklang malandi" nagtatanong man ang mga mata nito pero ngumiti lang. Haaaay buti naman at hindi makulit ang isang to.
Maya-maya ay naka idlip ako at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa resort ng parents ko.
"Ako nang mag dadala nang bagahe mo" offer sakin ni Les, at sino ba ako para tumanggi? Syempre 'OO' agad ako. Inabot ko sa kanya ang bagahe ko pero..
"Tabi nga dyan paharang-harang kasi"
Napa-poker face ako dun taeng bakla ito! Nabitawan ko ang bagahe ko buti nalang at naagapan ni Les damn it. Anong problema ng baklang yun? Kanina pa iyun ah!
"Okay ka lang lex? Tsk sino ba yung lalaking yun? Teka lalaki ba yun?" Napatawa ako sa sinabi nya at umiling.
"Kaibigan ko yun, ganun lang talaga yung usang yun." Lumingon ulit ako kung nasaan si Zick pero mas lalo akong nainis nang makitang nag hahabulan na sila ni Yana.
Ano bang meron kay Yana? Peste naman oh kahit kaibigan ko pinagsese—urrgh!!! OO NA!! nag seselos na ako PERO as a friend LANG!! no more, no less. Eh kasi hindi naman ganyan ka kulit yang si Zick pag kasama ako.
---------------
"Ang saya pala kasama ni Zick noh? Lexie?" Masayang kwento ni Yana sa akin habang inaayos namin ang mga gamit namin sa isang room. Kasama namin dito sina Meg at si Karlie tag apat kasi bawat isang room. Nasa kabila ang dalawa kasama ang dalawa naming kaklase. Nasa kabila naman na room ang mga boys.
"Yeah ang SAYA nga." Sarkastikong saad ko.
"Lexie, kumusta na ang ating dare?" Nakakalokong sabi ni karlie
"mukhang matagalan tayo nyan ah" at sabay tawa nito nakitawa din si Yana. Edi sila na ang masaya mga pahamak na nakaibigan!
"On the process pa lang don't worry" I rolled my eyes heavenward.
"By the way what are you guys going to wear mamaya sa swimming??" Meg, napa-tingin kami kay Meg nang magsaluta ito. Kailan pa ito naging conscious sa pag suot ng damit ang babaing to?
"Woaaaaah! Iba yun!!" Yana, See?
"HAHAHAHAHAHAHA" tumawa nalang kami habang si meg ay nakasimangot.
"Ano pa ba? Edi sa naka sanayan" balewalang saad ko at humilata sa kama. Pabigat na ng pabigat ang talukap mata ko and next thing I knew... zzzZZZZZZzzzzzZZZZZZZZzzzzz...
---------
Napabangon ako dahil sa ingay na narinig, anong meron? Lumabas ako sa room namin pero nagulat nalang ako ng may humila sa akin aishh ano naman to? Tinignan ko lang si Zick habang hinahatak ako ang gwapo nya kahit naka talikod. Bakit ka pa ba naging bakla? Urgh pinilig ko ang ulo ko nababaliw na yata ako aishhh—teka nga bakit ba ako kinakaladkad ng isang to?!
Nagpupumiglas ako, dahil sa sagulat nya ay nabitawan nya ako kaya napatigil siya sa pag lakad at ganun din ako.
"What's your problem Zick? Ha?" Sinamaan ko ito ng titig.
"Bakit mo ba ako kinaladkad ha?! Bigla bigla ka nalang nang hihila!" Pikon na sabi ko.
"Lexie kasi...I want to tell you something " yumuko naman sya at huminga ng malalim, nagtataka naman ako ay hinintay ko ang sasabihin niya.
"Please wag kang magagalit o umiwas man sa akin pag nalaman mo ito"
Kinabahan ako a-ano ito?
Tumango ako at......
"Lexie..."
ABANGAN!..
~L.M.~