ISABELLA Nagising ako sa magagaan na halik niya sa aking mukha. Pagdilat ko ay nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Basa pa ang kanyang buhok at sa tingin ko ay kakalabas lang niya ng banyo. “Good morning hon.” “Papasok ka na sa opisina?” Akmang tatayo ako ngunit hinawakan niya ang magkabila kong balikat at muli niya akong inihiga. “Nandiyan naman si Inay Carmen. Siya na ang naghanda ng breakfast ko. Kaya huwag ka nang bumangon.” Malambing niyang sabi. Sasagot na sana ako ngunit hinalikan niya na ako sa labi. “Maaga pa ah? Papasok ka na?” nagtatakang tanong ko sa kanya nang maghiwalay ang labi naming dalawa. Alas-sais pa lamang kasi ng umaga at alas-otso naman ang umpisa ng oras ng trabaho niya sa opisina. “Madami akong pipirmahan document kaya aagahan ko ng pasok. Per

