Something is wrong with my Family . Christian's Point of View Pag katapos naming kumain ay bumalik na ako sa aking hotel room dahil gusto ko munang umidlip kahit saglit dahil medyo napagod ako kanina at saka medyo marami din ang aking nakain. Sobrang gaan din na aking pakiramdam dahil galing kaming spa at nakapag pamasahe kami. Hinubad ko ang aking pang itaas at saka humilata sa higaan. Mamayang alas-8 pa naman ang simula ng party kaya may oras pa ako para makapag muni-muni. Hindi pa din mawala sa isipan ko ang mga kilos nila Lola, Mama at Papa. ~Flashback~ "Ito apo kumain ka nito pangpalakas ng mga buto yan." Wika ni lola saka lagay ng pagkain sa aking plato. Hinayaan ko lang siyang ilagay anh pagkain sa aking plato dahil alam ko kung gaano ako kamiss ni Lola. "Anak mag mula ngay

