He obtained the Fire Gem
.
.
Christian's Point of View
"Alam kong naguguluhan na ang utak mo sa nangyayri Christ pero sana mag tiwala ka lang sa amin." Marahang wika ni Ace sa akin. Sandali ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata at umaasang mababasa ko ang kanyang isipan, ngunit blanko ito kaya hindi ko malaman kung totoo ba ang mga sinasab niya. MArahas kong hinawi ang kanyang mga kamay at tiningnan si Jehnny. Nanatiling nakangiti ito habang pinag mamasdan ako, siya ba talaga ang tunay na Jehnny? Ang hirap kasing maniwalaan. Nang dahil sa inis na aking nararamdaman ay napasabunot na lamang ako sa aking buhok at napaupo sa sahig.
Sobraang gulo na ng utak ko , wala na akong naiintidihan sa mga sinasabi ni Ace. Gusto ko maniwala tulad ng gusto ni Ace pero hindi ko magawa dahil wala akong maisip na rason para mag tiwala sa kanya. Lalo na kay Jehnny. Sinabi niya rin noon na mag tiwala ako sa kanya pero ang rason ko para mag tiwala ako ay siya rin palang sisira sa tiwala ko. Lahat ng sinabi ni Jehnny noon ay parte lang pala ng isang palabas. Pinaniwala niya ako upang pabagsakin. Ngayon ay sinasabi ni Ace na ang Jehnny na nakasama ko noon ay hindi totoo at isa lang pala itong clone? Pero hindi masagot ni Ace ang tanong ko n kung sigurado ba siya sa sinasabi niya , ang gusto niya lang ay ang mag tiwala ako sa kanya.
Sobrang gulo na, hindi ko na alam kung ano ang dapat ko pang maramdaman dahil maski ang damdamin ko ay naguguluhan na rin. GUsto kong mag tiwala pero baka sa uli hindi rin pala ito totoo, baka lalo lang gumulo ang lahat.
Muli akong napalingon kanila Ace at Jehnny. Pareho na silang nag aalala sa akin. Bigla ko naman naalala ang sinabi sa akin noon ni Lancelot, ang lalaking dapat mag tuturo sa akin kung paano gumamit ng espada. Naalala ko ang mga sinabi niya na may rason kung bakit nag tatago ng sekreto ang mga tao, pwede ang dahilan nito ay nakakabuti rin sa atin kaya dapat mag tiwala lang.
Pwede kaya na hindi sinasabi sa akin ni Ace kung ano ang basihan niya na totoo talaga si Jehnny dahil pinoprotekhan niya lang ang damdamin ko? Napatingin ako kay Ace, Na kasalukyang nangiti sa akin. Tama ba ako ng hinala sa dahilan ni Ace?
Napatingin naman ako kay Jehnny na nangingiti. Kung clone niya ang nakasama ko noong nakaraan lang ay para na ring siya yun. Nandun pa rin ang damdamdamin niya, ang pag mamahal niya sa akin. Kahit na naging kasangkapan siya ni Taitus nandun pa rin yung damdamiin niya, gusto niya lang akong protektahan, hindi niya ako nililihis ng landas dahil sinusubuka niya pa ring palakasin ako na lingid sa kaalaman ni Taitus.
Unti-unti ay nalilinawan ang aking isipan. Bahagya ring nawala ang galit na naramdaman ko noon kay Jehnny sa nagawa niya sa akin dahil alam ko na ginaw niya ang lahat ng yun para protektahan ako kahit na siya lang ang clone ni Jehnny at inaalala lang ako ni Ace kaya hindi niya muna sa akin sinabi ang tungkol sa pag kakaroon ng clone ni Jehnny dahil alam niya na mas lalo lang akong magugulahan. Iniisip lang nila ang kapakanan ko kaya nila nagagawang mag lihim at mag tago sa akin ng isang bagay. Siguro niya ay masama mag tago ng isang sekreto pero kung ito naman ang makakabuti sa lahat. Nauuna lang ang galit na nararamdaman natin kaya hindi natin nakikita ang kasagutan.
Kahit papano ay naliwanagan na ko. Huminga ako ng maalalim at bahagyang ipinikit ang aking mata. Pinakalma ko ng tuluyan ang aking isipan upang makapag isip ako ng mabuti. Oo, medyo naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, pero sana unti-unti ay maintindihan ko na ang lahat ng ito. Marami pa akong gusto malaman kaya hindi dapat ako basta-basta nag papaepekto sa ganitong sitwasyon dahil hindi ko alam kung ano mga malalaman ko. Gusto ko kapag dumating na yung oras na masasagot na ang lahat ay kalmado lang ang isip at puso ko. Pipilitin kong huwag unahin ang galit upang makapag isip akong ng mabuti at maayos.
Pag dilat ko ng aking mga mata, nagulat na lang ako ng bigla muli akong yakapin ni Jehnny sabay bulog; "Nakapasa ka sa pag subok," Bahagya akong napatingin kay Jehnny dahil nag tataka ako sa mga sinabi niya. Humiwalay sa akin si Jehnny sa pag kakayakap at humarap sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pag kahilo. Ngumiti si Jehnny sa akin. Napakapit ako sa kanya dahil parang lumilindol at gumagalaw ang paligid. Nag sisimula na rin manlabo ang akin paningin dahil sa sobrang pag kahilo.
Kahit nanlalabo ang aking paningin ay alam kong si Ace ang umaalalay sa akin. Dahan-dahan niya akong inihiga muli sa aking higaan. Muling tumabi sa akin si Jehnny at hinawakan ang aking kamay.
"Mag pahinga ka na uli Mahal na itinakda." Sa wikang niyang yun ay kusang pumikit ang aking mga mata.
.
.
Sa silaw ng araw ako'y nagising. Marahang dumampi ang sinag ng araw sa aking mukha. Dinilat ko ang aking mga mata upang dungawin ang isang magandang umaga. Itinakip ko ang aking braso dahil nasilaw ako sa sinag ng araw.
Nanaginip ako... nanaginip ako ng isang magandang panaginip. Nandito daw si Jehnny, ang Jehnny na totoo, ang tunay na nag mamahal sa akin. Pero isa lang yung panaginip. Napupuni ng galak ang aking puso ngayon dahil sa aking panaginip. Alam kong hindi yun totoo ngunit pakiramdam ko ay totoo ito. Nahawakan at nayakap ko siya, ramdam ko ang init ng yakap niya. Sana lang talaga ay totoo yun. ANg pinag tataka ko lang ay ang mga sinabi niya sa akin bago matapos ang aking panaginip.
' Nakaapasa ka mahal ko' Ang mga huling salita na sinabi niya sa akin bago ako mahilo sa panaginip ko. Saan naaman ako nakapasa?
Bumangon ako sa akin higaan at nag buntong hininga. Ano kaya ang ibig sabihin ng aking panaginip na yun? Hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang ngayon ay naintindihan ko kung bakit ako pinuprotektahan ni Jehnny kaya naman ay kahit papano ay nawala ang aking nararamdaman na galit sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako at inunat ang aking mga kamay. Napansin naman ng aking mga ang pag kislap ng kulang pulang liwanag na nag pupula sa aking kanang kamay. Pinag masdan ko ang aking kanang kamay kung na saan ang pentagram crest nakalagay. Lumiliwanag ito ngunit sapat lang upang maging kapansin-pansin. Nang mawala ang liwanag ay doon ko napansin ang pulang hiyas na nakalagay na may crest. Ang ibig sabihin ba nito ay nakapasa na ako sa pag subok ni Freya? Pero pano kung hindi pa naman niya ako sinusubok dahil katatapos lang namin mag sanay kahapon lang.
"Tatlong araw na ang nakalipas simula an pag sasanay niyo ni Freya Christ," Napalingon ako sa may pintuan ng aking pinto, at doon ko nakita ang lalaking kailagan kong upang sagutin ang aking katanungan.
"Ace!" Masayang bati ko sa kanya, ngumiti naman siya at saka lumapit sa akin, umupo siya sa gilid ng aking higaan at ngumiti.
"Buti naman at gising ka na ," Bungag niya sa akin, tumango naman ako bilang s**o sa kanya.
" Ano nga pala ang ibig mong sabihin na tatlong araw na ang nakalipas samantalang kahapon lang yun?" Nag tatakang wika ko sa kanya. Bahagya lang siyang tumawa at nag bunntong hininga.
"Siguro nasasabi mo yan dahil tatlong araw ka ng natutulog," Tugon ni Ace sa akin at muling tumawa. Teka? Ano raw?
"Tatlong araw?" Bulalas ko, Nakangiti naman siyang tumango bilang tuon sa akin, "Pano nangyari yun?" Muling tanong ko sa kanya. Muli naman siyang nag buntong hininga at muling ngumiti.
"Sinadya ni Freya na sagarin ang Kapangyarihan mo noong nag sasanay kayo upang mapahaba ang pag tulog mo," Paliwanag ni Ace sa akin. " Ginawa niya yun upang hindi mag karoon ng kapahamakan, dahil sa oras na magising ka habang nasa loob kami ng iyong managinip at pare-pareho tayong mapapahamak." Dugtong ni ACe. Napataas naman ang aking kilay, ano naman ang ginagawa niya sa aking panaginip?
"Ano naman ang ginawa niyo sa panaginip ko?" Tanong ko sa kanya, napahalakhak naman si Ace, nababaliw na yata si Ace. Tumatawa na lang bigla kahit wala namang nakakatawa.
"Hindi mo ba maalala ang panaginip mo?" Natatawang wika ni Ace sa akin. "Ang sabi ni Freya ay sinigurado niyang maaalala mo ang iyong panaginip.?" Muli ko namang pinilit alalahanin ang aking panaginip at doon ko na pag tanto ang sinasabi ni Ace, ang ibig sabihin ay para na ring totoo ang panaginip ko.
"Naaalala ko na ang panaginip ko, pero ano yung ibig sabihin ni Jehnny na nakapasa ako sa aking pag subok?" Nag tatakang tanong ko kay Ace. Muli naman siyang nag buntong hininga at naging seryoso ang kanyang itsura.
"Ang panaginip na yun ay isinadyaa upang subukin ang iyong galit," Panimula ni Ace , Nanatili akong tahimik upang makinig sa kanyang sinasabi. " Ang pag subok na yun ang sumukaat sa hanggang kaylan ka makokontrol ng iyon galit," BIgla akong napaisip at binalikan ang aking panaginip. Ang ibig sabihin ba nun ang mga iniisp ko sa aking panaginip ay talagang galing sa akin?
" Ang akala ko ay tatagal ka dahil isa iyon sa mahirap na pag subok, buti na lang ay hindi ka nag padala sa iyong galit sa halip ay ginawa mo itong motibasyon upang makamit ang katutuhanana," Nangingiting wika ni Ace sa akin. Muli naman akong napatingin sa aking kamay, dalawa na ang crest na nasa aking kamay. Tatlo na lang ang kaylangan ko.
" Kung nakapasa ako sa pag subok ni Freya maaari ko na rin magamit siya bilang aking armas?" Nasasabik kong tanong sa kanya. Marahan naman tumango si Ace habang nakangiti. Napahinga ako ng malalim dahil sa galat na aking nadaramdama. Nasasabik na ako sa aking susunod na pag subok. Muli kong pinag masdan ang crest na nasa aking kamay. Habang pinag mamasdan ko ito ay biglang may katanungang sumagi sa aking isipan.
"Ace?" Muling tawag ko sa kanya, muli naman siyang lumingon sa akin at ngumiti.
"Ano yun mahal na itinakda?" Bahagya akong napangiwi dahil sa pag tawag niya sa kin, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tawaging ganun.
"Sinabi mo kanina na hindi lang ikaw ang pumasok sa aking panaginip," Panimula ko , Bahagya namang tumango si Ace at tinitigan ako na tila nag hihintay na aking susunod na sasabhin. " Si Jehnny ang isa pang nasa panaginip ko bukod sa iyo, ang ibig sabihin nito ay nandito talaga si Jehnny?" Kabadong tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Halong emosyon ang aking naramdam dahil sa kanyang sinabi. Kung nandito man si Jehnny ay nandito rin ang mga kaibigan ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil tila sasabog ang akig dibdb sa aking nararamdaman, halong kaba, takot at saya ang aking nararamdaman ngayon, Kaba dahil hindi ko alam kung galit ba sila sa akin dahi, takot dahil natatakot ako sa mangyayari sa oras na ma kita na kami at saya dahil sa wakas ay makakasama ko na uli sila.
Pinipilit kong ikalma ang aking sarili dahil alam ko na kahit anong oras mula ngayon ay makikita ko na sila, ngunit kahit anog pilit kong pakalmahin ang aking sarili ay tila nakikinig sa aking ang sarili kong katawan. Ilang beses din ako nag inhale- exhale para kumalma ako, kahit paano naman ay nakatulong ito, pero hindi mapigilan ang pag t***k ng mabilis na akig puso. Napahawaka ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng pag t***k ng aking puso, may karera yatang nagaganap sa loob ng aking katawan. Halos mablako ang aking isipan dahil sa kaba ngunit bahagya akong kumalma ng hawakan ni Ace ang mga kabila kong balikat.
"Kumalma ka lang Christian, walang mangyayaring masama, iwaksi mo ang iyong takot at kaba dahil nakakasiguro akong sila ang mga kaibigan mo at ang iyong pinaka mamahal na si Jehnny," Pag papakalma sa akin ni Ace.Ngumiti ako at saka tumango, pinilit ko muling pakalmahin ang aking sarili. Muli akong nag buntong hininga, sa pag buga ko ng aking hangin ay nakaramdam ako ng simoy ng hangin. TIla sandaling tumigil ang pag t***k ng aking puso. Napalingon ako sa may pintuan ng aking kwarto. Muli kong naramdaman ang mahihin na pag hampas ng hangin. Napuno ng galak ang aking puso ng makita ko ang mga nilalang na nasa aking pintuan, lahat sila ay nakatingin at nakangiti sa akin. Sandali kong pinikit ang aking mga mata upang makomperma na hindi talaga ako na nanaginip, sa pag dilat ko ay agad silang tumakbo palapit sa akin at napayakap.
"Nag kita muli tayo mga kasama."