Ang Muling Pagsasanay . . Christian's Point of View Pinaragasa ko ang katamtamang lamig ng tubig sa aking katawan. Muli kong naalala ang mga sinabi ni Sage sa akin at napatingin sa aking kanang kamay. Pano ko naman gagawin ang pinapagawa niya sa akin ? Ni hindi ko nga alam kung bakit nag karoon. Ng itim na hiyas sa aking crest dahil hindi ko naman iti nakikita. Hindi ko rin napansin na may kontroladi na pala si Jehnny at ang mga kaibigan ko ng kasamaan. Naging bulag pala ako. Dahil sa sobrang inis ko sa aking sarili ay nasuntok ki ang pader sa aking banyo, nagulat ako ng makagawa ito ng malaking crack. Napatingin ako sa aking kamay, mukhang ito na yung pinahiram sa akin ni Sage na kapangyarihan. Napangiti ako dahil dito. Agad kong tinapos ang aking pag ligo at agad na nag bihis muli

