Jehnny's Past Part 3 . Third Person's Point Of View Pagkatapos na kanilang klase ay sabay-sabay na tumungo sila Jehnny sa field ng kanilang paaralan kun saan maraming puno at tama lang upang makapag bible study dahil tahimik ang buong paligid. Pagkatapos ng bible study ay nag paalam na sila sa isa't-isa kaya naman muling nalungkot ang itsura ni Jehnny kailangan na naman niya harapin ang kanyang buhay. Bago siya umuwii ay tumungo siya sa paaralan ng kanyang kapatid upang siguraduhin na talaga sinundo ng kanyang ina ang kanyang kapatid. Laking pasasalamat naman niya na nakomperma niya sa guro ng kanyang kapatid na sinundo siya ng kanilang ina. Napabuntong hininga na lamang si Jehnny at tumungo na sa sakayan pauwi ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung bakit kumakabog ang kanyang dib

