The Prank . . Christian's Point of View "Maligayang pag dating ang aking mahal na mga kaibagan," Kilala ko ang boses na yun. Mula sa dilim ay biglang may lumabas na isang lalaki. Nakaupo ito sa trono. Naka de-kwatro ang kanyang mga binti ang kanyang ulo ay nakapatong sa kanyang palad. Nakasuot ito ng magarang damit na parang hari. Kita din ang pag ngisi nito kahit na may kadiliman ang kwarto. Bigla muling sumakit ang aking ulo at lalo pang lumala ang aking pag kahilo. " Mukhang dumatalab na ang lason." Lalo pang lumaki ang ngisi nito. Bigla akong napatingin sa deretso nila JM at Keina ng makita ko ang pag bagsak nila. Lason? Saan galing yun? Bigla ko namang naalala ang ininom namin kanina. Mukha galing yun dun. Nag sisimula nang manlabo ang aking paningin dahil sa sobrang pag kahilo.

