Akwa's Part Part 2 . Third Person's Point Of View Pag dating niya sa hapag ay agad siyang binati ng kanyang mga magulang at kanya mga nakakatandang kapatid. Si Akwa ang pinaka bata sa kanilang apat na mag kakapatid. Puro lalaki silang lahat at pawang mga puro magagandang lalaki. "Magandang umaga rin po sa inyo," nkangiting wika ni Akwa sa kanyang pamilya. Nag dasal muna sila sa kanilang Diyos na si Buda at saka sila nag simulang kumain ng kanialng agahan. Hindi ugali ng kanilag pamilya ang mag usap habang nasa harap sila ng hapag kainan kaya naman tahimik lang silang kumakain. Tanging kutsara at tinidor lamang ang narrinig sa kanilang pagkain. Mapapasin na tila mas pinag lilikuran ng mga katulong ang mga kapatid ni Akwa kesa sa kanya. Lagi siyang nahuhuli sa pag kuha ng pagkain kay

