Guardians of Pentagram Crest . . Christian's Point of View Sa hindi malaman dahil ay bigla ako nakaramdam ng kaba ng makita ko ang liwanag sa dulo ng pasilyo. Bawat yabag ko ay tila bumibigat at gustong tumigil ng aking mga paa sa pag lalakad. Nakakaramdam na rin ako ng takot, naririnig ko ang bawat pag kabog ng aking puso na tila mas mabilis pa sa takbo ng kabayo. Noong malapit na kami sa liwanag ay bigla akong napatigil sa aking pag lalakad at napatitig sa aming pupuntahan. Ilang minuto lang akong panatitig doon. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pag hawak sa akin ng isang kamay. Nilingon si Ace na may halong pag aalangan. Ngumiti lang ito sa akin lumingon sa aming patutunguhan. "Hindi ka dapat matakot sa kanila, wala silang balak saktan ka o dalhin ka sa ikakapahamak mo tu

