The Battle Part 1 . . Christian's Point of View Flashback... "Ikaw si Christian hindi ba?" tanong sa akin ng isang batang lalaki na nasa pareho lang ng edad ko. Nagtataka ko siyang tiningnan dahil nakakagulat lang may bata na lumapit sa akin. "Oo, bakit?" walang buhay kong wika sa kanya. Ngumiti naman siya at inabot ang kanyang kamay sa akin. "Ako si Jm, pwede ba makipag kaibigan sa iyo?" Nagulat ako dahil may lakas loob na nakipag kaibigan sa akin "Hindi ka ba natatako sa akin?" takang tanong ko sa kanya, tiningnan niya naman ako ng medyo nag tataka at saka hinila ang isang upuan at tumabi siya sa akin sa pag upo. "Bakit naman ako matatakot sayo, aswang ka ba?" Inoseneng tanong niya sa akin, napabuntong hininga naman ako dahil sa kanyang tanong. "Nakakakita ako ng multo at na

