Third Person's Point Of View Nang makontento na siya sa pag silay sa dalaga ay kumaway ito sa kanya upang mag paalam at saka umuwi ng kanilang tahanan na masaya at may ngiti sa kanyang mga labi. Pag kakauwi niya sa kanilang bahay agad siyang sinalubong ng kanyang pinaka matandang kapatid na si Luna. "Mukhang masaya ang bunso namin," puna ni Luna sa kanyang kapatid. Umupo naman si Akwa sa tabi ni Luna at saka muling ngumiti. "Pinansin na niya kasi ako," nakangiting tugon niya sa kanyang nakakatandang kapatid. "Ang iyo bang tinutukoy ay ang babae sa plaza na taga tinda ng mga iba't-ibang palamuti?" Tanong nito sa kanyang kapatid. Agad namang tumango si Akwa ng may ngiti sa labi. "Nginitian niya ako ng ubod ng tamis." Napailing na lamang si Luna dahil hindi siya makapaniwala na sa lahat

