Ace's Past Part 1 . Third Person's Point Of View Isang gabi sa isang Bar sa New York City, Isang malaking party ang nagaganap. Malakas na tugtog ang maririnig ang nag mumula sa bar. Makikita sa loob ng bar ang mga sikat at mga mayayamang tao na umiinom at sumasayaw. Sa panig ng bar, ay makikita Christian na kasalukuyang nasa katawan ni Ace. Nakaupo ito sa isang maaking sofa na kulay pula ang kulay at ubod ng lambot na tila isa itong upuan ng hari. Kasama niya ang dalawang babae na kasama niya lagi sa kama. Matatagpuan ang kanilang kinauupuan sa mataas na bahaging bar kung saan mula dito ay makikta ang kabuuhan ng bar. DAhil nga walang kontrol si Christian sa katawan ni Ace ay wala siyang nagawa kundi ang manood na lamang. Eninjoy na lang ang mga nangyayari sa kanya habang nasa katawan

